Isko Moreno refuses to comment on fellow senatorial candidate Alma Moreno's Headstart interview

Vice Mayor Isko Moreno: "Maaari po na minsan talaga, tayo’y may mga kakulangan sa kaalaman, dala na rin siguro ng sirkumstansiya ng buhay natin. Hindi naman natin masisisi ang iba. Pero siguro minsan, maganda rin na wake-up call ‘yon."


Tumangging magbigay ng reaksiyon si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa naging interview ni Parañaque City councilor at kapwa niya senatorial candidate na si Alma Moreno sa programa ni Karen Davila na Headstart sa ANC.

Nauna ang interview ni Isko sa Headstart, pero hindi siya katulad ni Alma na umani ng batikos mula sa publiko.

Read: Senatoriable Alma Moreno ANC interview with Karen Davila goes viral; believes same-sex marriage is a sin

Ayon kay Isko, naranasan din niya noong husgahan at laitin.

Saad niya, “As far as I’m concerned, nagtiyaga naman ako, nag-antay ako.

“Nakatikim din ako ng pangungutya noong araw. Napanood niyo naman ‘yon.

“In fact, kung ano'ng ginawa ko after ako kinutya, nagpursige ako na bumalik sa pag-aaral.

“Dala ng ako’y nung mag-umpisa sa public service, e, high-school finished ako.

“At nakatikim talaga ako ng mga masasakit na salita rin, lalo na sa mga kalaban natin sa pulitika.”

Patuloy niya, “But be that as it may, nakapagtapos naman ako ng aking kolehiyo.

“Nakapag-abogasya ng konti.

“At napakabait ng UP NCPAG [National College of Public Administration and Governance]. May executive program sila na in-offer.

“Pangalawa, I went back to UP to take up local finance.

“Then, fortunately, nagbakasakali lang ako, nag-offer yung JFK School of Government sa Harvard University ng mga executive program.

“I tried to apply and, fortunately, I was accepted.

“Tapos, after that, sabi nila, yung best school daw sa buong mundo is Oxford University, so I tried to apply.

“At awa naman ng Diyos, natanggap ako.”


WAKE-UP CALL. Pahayag pa ng dating That’s Entertainment member, “What I’m saying is, maaari po na minsan talaga, tayo’y may mga kakulangan sa kaalaman, dala na rin siguro ng sirkumstansiya ng buhay natin.

“Hindi naman natin masisisi ang iba.

"Pero siguro minsan, maganda rin na wake-up call ‘yon, because I took it in my favor, yung mga pangungutya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I took it as an advantage, to wake up, na magising sa katotohanan na maaari po na ika’y artista at kilala.

“Maganda po naman ang intensiyon ng bawat taong lumalahok sa halalan.

“Pero maganda rin siguro na aralin mo rin yung mga bagay na sa tingin ko’y pakikinabangan naman ng iyong mga mamamayan o ng iyong paglilingkuran.

“At nakakalungkot din, paminsan-minsan, nama-magnify ang artista, in terms of faults.

“Pero sa totoo, comparing apple to apple, in public service or public servants, marami ring mga lawyer na nakukulong, may kaso.

“May mga doktor din na nakukulong. May mga propesyunal din na nakukulong… mas marami sila actually.

“Kami naman sa showbiz, iilan lang naman kami, kaya lang siyempre…

“Any person for that matter being accused is innocent before the court until proven guilty.

“Iyan naman ay pamamaraan ng ating hustisya.

“Be that as it may, imbes na ikalungkot ko yung hindi ko nakamtan na pag-aaral, e, bumalik na lang ako sa eksuwelahan.

“At imbes na magmadali ako at gamitin ko yung kasikatan bilang artista, minabuti kong manatili sa bawat puwesto nang sagad sa panahon.

“Ibig sabihin, inaral kong mabuti ang bawat posisyon bago ako umakyat sa isang posisyon.”

A LITTLE KNOWLEDGE IS DANGEROUS. Ano ang masasabi ni Isko sa paraan ng pagtatanong ni Karen Davila kay Alma?

Pahayag niya, “Karen is a very good host, journalist or interviewer.

“You really have to come prepared especially.

“Hindi inaasahan ng tao sa ‘yo na alam mo lahat ng kasagutan sa katanungan.

“Pero, I think, umaasa ang tao sa mga personal nating opinyon o pananaw sa isang nasabing isyu na nakakaapekto sa buhay ng tao.

“So, hindi naman yung question is answerable by yes or no naman. It’s a matter of how do you look at it.

“Tingin ko, kailangan mo na maging handa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, e, as much as possible, kapag hindi ko alam, sinasabi ko agad na hindi ko alam.

“Alam mo, little knowledge is dangerous.

“And I always believe what Confucius said: ‘He who asks a question is a fool for that moment. He who does not ask is a fool forever.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN