Avi Siwa moves on from rift with Vina Morales; still not apologizing

Nag-iba na ang tono ng bagong post ni Avi Siwa sa kanyang Instagram account ngayong Huwebes, November 26. Imbes na paringgan ang nakaalitang si Vina Morales, sinabi nitong mas pipiliin na lang niyang maging mabuting ina sa anak nila ni Marc Lambert, ang dating ka-live in na ngayon ay boyfriend na ng Kapamilya singer-actress.


Tila huminahon na ang TV host/model/businesswoman na si Avi Siwa mula sa kanyang pambibira sa singer-actress na si Vina Morales.

Si Vina ang girlfriend ni Marc Lambert, ang French businessman na dating live-in partner at ama ng anak ni Avi.

Ngayong araw, November 26, nag-post si Avi sa kanyang Instagram account ng mensahe tungkol sa pagpapakumbaba.

Pero nilinaw niyang hindi siya nanghihingi ng dispensa sa kanyang mga naging patutsada kay Vina.

Hindi rin daw ito nangangahulugang lumiit ang kanyang pagkatao.

Gusto lang daw niyang mag-focus sa kanyang pagiging ina sa kanyang tinatawag na “Little Princess.”

Sabi ni Avi: “EGO DOWN. It took a lot of strength to bring my ego down and I did it today.

“After weeks of emotional turbulence, seeing the best and worst of myself, I gave in to real maturity.

“I will not be apologetic nor try to look saintly because I'm far from it.

“But what I will be right now moving forward is to be the best mom to my beautiful child and the best co-parent to someone who is so giving and caring to me and my little angel.

“The way to win a war, sometimes, is not to fight but to surrender yourself wholeheartedly—not necessarily compromising everything you are nor losing your character and value—but knowing when to give up what you want, what you think you deserve and just give in.

“It's the beauty and quintessence of femininity.

“Looking forward to a wonderful, sweet life with Victoria and coming back to business building! #heartofanempress #artofmotherhood #magnanimous #optimistic #positivethinking #fallharder #getupfaster #happyparenting.”

Nag-ugat ang mga patutsada ni Avi kay Vina dahil sa paghadlang daw ng Kapamilya singer-actress na madalaw ni Marc ang bagong silang nilang supling.

Read: PEP EXCLUSIVE. Avi Siwa accuses Vina Morales of preventing French ex-boyfriend to visit their baby

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman tuwirang sinagot ni Vina ang mga naging patutsada ni Avi.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vina Morales too happy with boyfriend Marc Lambert to worry about intrigues: "Dini-deadma ko na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN