Valerie Concepcion breaks up with doctor-boyfriend; now dating a lawyer

Valerie Concepcion hopes to find lasting happiness this time around: "Sana. Parang pagod na akong maghanap."


Break na si Valerie Concepcion at ang doktor na naging karelasyon niya.

“Wala na, waley na. Nananahimik ang buhay ko ngayon!” natatawang sabi ng aktres.

Bakit sila nag-break?

“We decided… it wasn’t [a bad breakup] naman. Until now we’re friends. Pero parang we just decided na magkanya-kanya muna kami ng career,” sagot ni Valerie.

Nine months tumagal ang relasyon nina Valerie at ng doktor.

"Pero one and a half years kasi kaming... alam mo naman ako. Mahilig ako sa matagal na date.

“So, one and a half years kaming nag-date.

"Tapos nine months lang kaming naging kami talaga."

Mahigit isang taon na silang break, at wala na raw chance na magkabalikan pa sila.

“Pero friends naman kami,” bawi ni Valerie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie sa presscon ng GMA primetime series na Because of You noong Martes, November 24.


SEEING SOMEBODY. Hindi raw loveless si Valerie ngayon.

“I am going out.

“Ano naman, ikutin naman natin yung mga iba-ibang propesyon—attorney naman ito!” at muling tumawa si Valerie.

Ilang taon ang difference nila ng lalaki?

“Naku, talagang iyan ang tanong mo? Gusto mo bang malaman talaga?” patuloy na tumatawang sabi ni Valerie.

“Older than sa akin,” dagdag niya.

Annulled na raw ang abugado at tatlo ang anak nito. Pero hindi pa close si Valerie sa mga anak ng lalaki.

“Hindi ko alam. Siguro hindi pa naman kasi ganun ka-official para ipakilala na nang todo-todo sa mga kids.

"Kaya siguro hindi ko pa ka-close," paliwanag niya.

Gaano na sila katagal nagde-date?

“Matagal-tagal na rin po. Mga isang taon,” tugon ni Valerie.

Nakilala ng aktres ang naturang abogado sa party kung saan inimbitahan siyang kumanta.

“He’s one of the guests.”

Tiyempo raw na nagkatabi sila sa mesa during the party.

“Siyempre, nagkakuwentuhan na, ganun-ganun. Sobrang matalino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw sila magkarelasyon.

Ayaw banggitin ni Valerie ang pangalan ng naturang attorney.

Sa tingin ba niya, mas susuwertihin siya sa older guy?

Sagot ni Valerie, “Sana. Parang pagod na akong maghanap.

“Di ba, parang tatlong beses?

"Kung saka-sakali, pangatlong beses na akong nagpaplano ng kasal!

“Di ba? Sana naman matuloy na.”

Bago ang doktor, ang basketball player na si Dondon Hontiveros ang naging boyfriend ni Valerie.

Gusto na raw maranasan ni Valerie ang ikasal.

“Matagal na. Matagal ko nang gustong ikasal.

"Parang 23 pa lang ako, gusto ko nang ikasal.

“Magtu-28 na po ako sa December.”

Kahit “going out” pa lang sila ng lawyer, iniisip na ba ni Valerie na this time, ito ang papakasalan niya?

Sagot ng aktres, “Well, hindi naman, pero kasi, di ba, like we’re going out with somebody or halimbawa nagko-concentrate tayo with that person, we’re hoping na may pupuntahan?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN