Iya Villania and Drew Arellano plan to have a baby in 2016

Iya Villania says she and husband Drew Arellano want to enjoy each other first before having a baby.


Ini-enjoy pa raw nina Iya Villania at Drew Arellano ang pagiging mag-asawa bago ang plano nilang magkaroon ng baby.

“Well, the plan is next year,” sabi ni Iya tungkol sa pagkakaroon ng baby nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng bagong GMA teleserye, ang Because of You.

“Yun ang plano namin, pero baka iba ang plano ni Lord.

“Bahala na, pero sana, sana early next year mabuntis na ako para later next year ay present na.”

Bagamat sa susunod na taon pa ang plano, pinaghahandaan na raw nila ito.

Sabi ni Iya, “I guess just being health conscious is already a conscious effort, being diligent with my exercise.

“I've been taking follate, which is apparently good for [conceiving].

“But even taking that stuff, it's still really just a preparation for next year.”


ENJOYING THE ADJUSTMENT PERIOD. Noong 2014 pa ikinasal sina Iya at Drew.

Naging pagkakataon daw ang hindi muna nila pagkakaroon ng anak upang makilala nang husto ang isa't isa.

Ayon kay Iya, “You know, it's different for everyone because there are already couples who were already able to live together before they get married.

“They didn't have to go through an adjustment period.

“But I really think that for a couple that have yet to experience living in together until after marriage, I think it's a good time to enjoy each other's company under one roof, to get used to adjusting, and just have fun first together as a married couple.”

Sa ngayon, bukod daw sa kani-kanilang mga trabaho ay nae-enjoy nila ang pamamasyal sa loob at labas ng bansa.


SAME EXPERIENCES WITH FRIENDS. Samantala, masaya raw si Iya sa bagong kasal niyang kaibigang si Nikki Gil.

Noong Sabado, November 21, pribadong ikinasal ang singer-actress sa non-showbiz guy na si BJ Albert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Iya, tanging pamilya at malalapit na kaibigan ang mga dumalo sa naturang kasal.

“It was such a peaceful and joyous occasion.

“I think everyone who's there were so happy to see her so happy and to be loved. Deserve niya 'yon!”

Mainam daw na kasal na rin ang kanyang kaibigan, maliban sa isa pa nilang kaibigang si Shaina Magdayao.

Paliwanag ni Iya, “It's so much fun because it's something that we're all experiencing together. Parang noon, feeling leftout.

“Parang we can still relate to each other a lot because we know that we're all gonna do the same thing together.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN