Claudine Barretto asks for prayers for mom Inday Barretto

Sabi ni Claudine Barretto, kailangan niyang kumayod ngayong single parent siya kaya tinanggap niya ang primetime series na Bakit Manipis Ang Ulap ng TV5 kasama si Diether Ocampo. Bukod pa rito, kailangan din daw niyang tulungan ang pagpapagamot sa inang si Inday Barretto na may lupus.


Nananawagan ng dasal ang aktres na si Caludine Barretto para sa kanyang inang si Inday Barretto, na ayon sa kanya ay may karamdaman.

Sa kanyang Instagram account idinaan ni Claudine ang naturang hiling sa kanyang followers at mga tagahanga.

Miyerkules, November 25, nag-post ang aktres ng larawan nila ni Viva Entertainment big boss Vic del Rosario.

Kuha ang naturang larawan sa idinaos na trade launch ng TV5, kung saan si Boss Vic na ang naatasang mamahala sa entertainment department ng istasyon.

Caption ni Claudine: “With my other Dad Boss Vic

With my other Dad Boss Vic

A photo posted by @claubarretto onNov 25, 2015 at 4:54am PST

Sa comment section, may mga nagtanong na fans kay Claudine kung bakit sa TV5 siya gagawa ng teleserye, gayong sinabi nito noon sa kanyang mga naunang panayam na may gagawin siyang show sa ABS-CBN.

Kalaunan, sinagot ito ni Claudine.

Ayon sa aktres, inaayos pa ang mga proyekto niya sa ABS-CBN at habang nasa planning stage pa lang ito ay kailangan niyang kumayod para sa kanyang dalawang anak.

“Wag po kayo malungkot, matutuloy pa rin po ang movie with Viva & Star Cinema. Next year pa po yung prineprepare na soap with ABS.

“I’m thankful that binigyan po ako agad ng soap ng Viva & TV 5. I’m not exclusive sa 5 pero napakaganda ng offer nilang teleserye ang ganda ng story.”

Nakatakdang gawin ni Claudine, kasama si Diether Ocampo, ang teleseryeng Bakit Manipis Ang Ulap, na hango sa 1985 movie ni Danny Zialcita na may kaparehong titulo.

MOMMY INDAY HAS LUPUS. Sa pagpapatuloy ng paliwanag ni Claudine sa kanyang mga tagahanga, ibinulalas niya ang kanyang pinagdadaanan bilang single parent.

Hiwalay na si Claudine sa mister niyang si Raymart Santiago, kung saan mayroon siyang dalawang anak.

Ani Claudine, “Sana po maintindihan po ninyo that I am a single mother at ako lang po tumataguyod sa mga anak ko.

“I also need to work because I want to take care of my parents. When I wasn't working & all my accounts & properties was on hold it was my parents who fed & took care of my kids & I.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They took care of all my needs as well as my children's.”

Sinabi rin dito ni Claudine ang tungkol sa karamdaman ng inang si Mommy Inday.

“Now that I'm back and my Mom not knowing that we already know that she is sick & has Lupus I don't ever want them to spend a cent at ako naman po ang magaalaga sa kanila ng daddy ko.

“Pls. pray for & let’s be grateful that I’ve work & l’d b able to take care & serve my mom & Dad coz my whole life inalagaan at they gave us a wonderful life. Thank u po sa mga nakakaintindi & I’m sorry Mom but I know.”

“SOBRA PO AKONG SENSITIVE…” Sa puntong ito ay bumuhos na ang simpatiya ng kanyang followers para sa aktres.

Marami na agad ang nagsasabing ipagdadasal nila si Mommy Inday.

Emosyunal na pahayag ulit ni Claudine: “Naiiyak po ako sa sobrang pag inintindi nyo po.

“I’m at this point in my life na sobra po akong sensitive sa mga nangyayari sa Mommy ko & I didn't have the strength to explain why there are decisions I’ve to make dahil sobrang important po sakin ang happiness & concern nyo.

“But now God gave me to be a little bit braver to share to all of u ang lahat ng ito.

“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Pls pray for my mom's health as well as my dad & kids. Thank u all sobra sa lahat ng pagmamahal at pagiintindi nyo pong lahat. God bless u allŸ™ÂŸ™ÂŸ™Â”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN