Gabby Concepcion moved by daughter KC's birthday message: “Grabe… maiiyak kang talaga.”

From being Kapamilya since his return to television, Gabby Concepcion will be seen soon in a new GMA-7 teleserye. What gives? "I’m very careful with the story. I owe it to my audience also... siyempre I’d like to contribute para sa ikagaganda ng pelikula, sa ikagaganda ng lahat, para sa kapakanan ng lahat. Yun naman ang ating role… And no matter what they say, you know that you did a good job, yun lang yun."


Kailan lang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Gabby Concepcion at ini-repost niya ang naging Instagram post sa kanya ng anak na si KC Concepcion.

Inamin ni Gabby na hindi niya napigilang maging emosyunal sa naging post at pagbati ng panganay na anak.

“Grabe, no… siguro kahit na sinong tatay ang makabasa nun, kahit naman sinong ina o ama, maiiyak kang talaga.”

Naiyak talaga siya nang mabasa niya?

“Natural!” saad ni Gabby, “Mag-isa lang ako nun, nanonood lang ako ng soap opera sa iPad ko.

“At saka, hindi naman madalas nagagawa ng mga anak mo yun, even if they try.”

Dugtong pa niya, “Kasi, totoo naman yung mga sinasabi ko sa kanya, yun pala, she absorbs it.

“Naa-absorb niya pala, yung akala mo pagtalikod mo, hindi nakikinig.

“Pero naaalala pala niya lahat ng sinasabi mo ’tapos sinulat pa niya. Ang sarap ng feeling.

“Kasi hindi naman ako yung dad na, well, kapag kinakausap ko sila, ganito lang.

“Parang barkada lang, magda-dialogue lang ako.”

DISCERNING. Nakausap si Gabby ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang teleserye, ang Because Of You ng Kapuso network, na ginanap noong Martes, November 24, sa Studio 6 ng GMA-7.

Pero bago pa itong primetime series niya ngayon, may nauna na sanang serye na inalok din sa kanya ang network.

Naging matagal ba ang pagkumbinse sa kanyang gumawa sa GMA-7?

“Hindi. Matagal kasi ako, I’m very careful with the story. I owe it to my audience also,” lahad niya.

“Yung story na naunang binigay sa akin, I wasn’t really happy, siyempre I’d like to contribute.

“Para sa ikagaganda ng pelikula, sa ikagaganda ng lahat, para sa kapakanan ng lahat.

“I feel good when I know that the script is good kasi magagawa ko yung contribution ko na pagandahin pa.

“Yun naman ang ating role… kung maganda ang pagkakagawa, you feel good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And no matter what they say, you know that you did a good job, yun lang yun.

“Dito naman, si Direk [Mark Reyes], very open.”

LIGHT. Isa raw sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ni Gabby ang Because Of You ay ang pagiging light ng tema nito.

Aniya, “Light siya… noong nabasa ko ang script, this is a nice project, ito yung feel-good project.

“But we don’t know kung magki-click yun sa takilya, kasi kami noong araw, takilya, 'di ba?

“So hindi mo alam kung ano ang magki-click, but you know the feeling na maganda ito.

“Maganda ang feeling; I like the script, it’s light.

“But how it’s going to be presented when edited by a professional, scoring, mixing, it’s totally different.”



CARLA ONCE MORE. Magsisimula nang mapanood ang Because Of You sa Lunes ng gabi, November 30.

Bida rin dito si Carla Abellana at ayon kay Gabby, nagkasama na sila sa pelikula dati, sa Yesterday, Today , Tomorrow kung saan nagkaroon din sila ng relasyon.

Sabi nga niya, “Serious yun, so I cannot say it’s the same.

“Tama yung tambalan… pero ito, iba ‘to, iba'ng character niya rito, iba ang character ko.”

Natuwa nga raw siya nang malaman niyang si Carla pa rin ang makakasama niya sa teleserye.

“Kasi nakasama ko na siya noon and it doesn’t happen very often na makakasama mo ulit ang isang leading lady.

“Unless wala nang ibang projects. E, she happens to be in Channel 7.

“It can be anybody, it’s not my call; call ng production yun.

“I didn’t know that lightning hits the same place twice,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN