Bettina Carlos insists she never had a thing with Raymart Santiago

Bettina Carlos is happy for new mom Marian Rivera. They're close friends, but she has not seen the baby, "Kahit gaano kami ka-close sa kanya, we cannot demand na patingin naman, ine-enjoy pa nila, e. Hinahayaan namin na i-savor nila ang moment na silang tatlo muna [with new dad, Dingdong Dantes]."


Zero raw ang love life ngayon ni Bettina Carlos at ang focus daw niya ay ang anak na si Gummy.

Sabi nga niya kung sakali at makikipagrelasyon man siya, “Hindi na kasi ako yung laru-laro lang.”

Lahad pa ni Bettina, “Gusto ko yun na talaga, kaya dapat bago maging dyowa pa lang, masala na nang maayos.

“Pero siyempre, with much prayer and confirmation from above, kailangang ma-bless yung relationship.”

Hindi kaya ma-pressure ang sinumang lalaking may intensiyong manligaw sa kanya?

“E kung para sa akin siya, okey lang sa kanya ang pressure,” saad niya.

Ang huling na-link kay Bettina ay ang aktor na si Raymart Santiago, pero, mukhang nagdie-down na ang isyu sa kanila.

“Wala naman talagang issue to begin with; kaya nawala kasi wala talaga.

“After a while, people who made up the story got tired of making something out of nothing, wala, ganun lang yun,” saad niya.

Hindi na rin daw sila nagkikita ni Raymart, “Kasi wala namang mga gatherings in the past months.

“Yung last yata, birthday ni Direk Gina [Alajar], nag-celebrate siya ng intimate dinner.”

MOM TO MOM. Si Bettina ay isa sa malalapit na kaibigan din ni Marian Rivera na kamakailan lang ay ipinanganak na si Maria Letizia.

Pero ayon kay Bettina, hindi pa raw siya nakakadalaw rito

“Naku, abala, siguro yung phone niya, tadtad ng congratulations.

“Lahat ng na-reply-an niya ‘yan ata, the day after na, ‘Salamat,’ ganun.

“I think she’s really taking the time to inhale everything and let everything sets in.

“Siyempre, kahit gaano kami ka-close sa kanya, we cannot demand na patingin naman, ine-enjoy pa nila, e.

“Hinahayaan namin na i-savor nila ang moment na silang tatlo muna [with new dad, Dingdong Dantes].

“I-enjoy muna nila since nine months niyang dinala ’tapos ilang weeks na rin siyang napi-pressure na lumabas na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ayaw pang lumabas ni Z [short for Zia, palayaw ni Maria Letizia], so sobrang laking relief na lumabas na rin, finally.”

Single mom si Bettina na kung gaano siya ka-hands-on kay Gummy ay masasabing napapalaki niya ito nang maayos.

May payo rin ba siya kay Marian ngayong mommy na ito?

“Noong nagge-guest siya sa Idol Sa Kusina, napag-uusapan namin.

“Gina-guide ko lang naman siya sa pagkain, pero she’s also guided by her mom and her lola.

“Alam na rin niya yung sa oil para hindi magkaroon ng kamot, alam na niya, matagal na niyang ginagamit.

“’Tapos sa breastfeeding, sinasabi ko sa kanya na dun ako pumayat talaga.

“Pero alam na niya, hindi naman siya tumaba talaga to begin with.”

NEW SERYE. Kasama si Bettina sa bagong teleserye ng GMA-7 na Because Of You.

Light lang daw ang tema nito pero makakatapat naman nila ang light drama rin sa kabilang network kaya alam daw ni Bettina na mahigpit ang magiging tapatan.

Pero sabi nga niya, ‘pag sa mga ganung bagay, parang absuwelto na silang mga suporta sa bida sa pressure pagdating sa rating.

Aniya, “Well, I’m sure we share the burden somehow and it’s a collective effort.

“We cannot expect na tatlo lang ang maghihila, magdadala ng show.

“Pero siyempre, in spite of the pressures, circumstances, we are aiming to do our best to compete based on our ability.

“Pressure is good,” sabi pa ni Bettina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng serye sa Studio 6 ng GMA-7.

Dugtong pa niya, “It forces you to step up, to work harder, more than you think you can give.

“So hindi na namin iniisip ang number.

"Basta kami, we want to give a good show; bahala na sila, we just lifted up to Him.”

MAY-DECEMBER FLING? Isang seksing secretary ni Gabby Concepcion ang role niya sa Because Of You na magkakagusto sa karakter ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang magugustuhan naman ni Gabby ay ang assistant niya rito na gagampanan ni Carla Abellana.

Ani Bettina, “First time ko to work with Sir Gabby, pero I met him sa pictorial ng Star Magic catalogue, mga four years ago.

“So from the time I met him and I saw him again here, he’s still the same jolly person.

“Very maboka, lahat kinakausap niya, lahat kinakamusta niya.

“He really makes an effort to engage in conversation with people around him, not just the artist; very light, nakakatuwa siya.”

Mabilis na, “Hindi, hindi!” ang nakangiting sagot ni Bettina kung posible bang ma-in love siya sa kasing-edad at katulad ni Gabby.

“Hindi na,” at saka ito tumawa nang tumawa, “Hindi ko kasi alam kung ano ang ibibigay sa akin ni Lord.

“Pinapasa-Diyos ko na ‘yan, hindi ko talaga alam.

“Siyempre when you talk about maturity, they say that older men match the maturity of younger women.

“Hindi yun mama-match ng kaedad kung meron man, pero hindi naman guarantee ang age, whether younger, teenage or older.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN