Kathryn Bernardo and Daniel Padilla reportedly paid millions for endorsing Mar Roxas

May mga duda pa rin hanggang ngayon sa balitang hindi nagpabayad sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang pag-eendorso sa presidential bid ni Mar Roxas sa 2016 elections. Lalo pang umingay ang usapin nang kumalat ang balitang nasa P20 milyon daw ang tinanggap na talent fee ni Kathryn at lagpas naman dito ang kay Daniel.


Mainit pa ring pinag-uusapan hanggang ngayon ang pag-eendorso ng magka-love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel sa presidential bid ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa 2016 elections.

Ayon sa ilang netizens, ano raw ba ang alam ng dalawa sa pulitika gayong pareho lang silang first-time registered voters?

May mga nagtaas din ng kilay kung bakit pinayagan ng ABS-CBN management na sumabak sa usapin ng pulitika sina Kathryn at Daniel gayong maganda naman ang takbo ng kani-kanilang mga karera.

Ang KathNiel ang itinuturing na isa sa pinakasikat na love teams sa bansa.

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla endorse Mar Roxas for president in 2016

May mga nagsasabi namang pera-pera rin lang ang labanan, na ang ibig sabihin ay bayad ng karampatang halaga ang endorsement nina Daniel at Kathryn kay Mar.

Pero pinabulaanan na ito ng asawa ni Korina Sanchez.

Sabi ni Mar sa isang panayam, talagang naniniwala ang dalawang Kapamilya stars sa kanyang mga adbokasiya kaya pinili nilang iendorso ang kandidatura niya sa pagka-pangulo sa 2016 elections.

Read: Mar Roxas insists Kathryn Bernardo and Daniel Padilla’s endorsement has “no financial arrangement whatsoever”


SEVEN-FIGURE DEAL? Kahapon, November 26, sa “Most Wanted” column ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa Bulgar tabloid, sinabi nitong balitang P20 million daw ang naging kabayaran ng kampo ni Mark kay Kathryn at mas mahigit pa rito ang natanggap ni Daniel.

Sa kanya pa ring panulat, sinabi ni Cristy na nakausap niya ang aktres na si Gladys Reyes, na isang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Wala raw naging sagot si Gladys sa tanong kung may alam ba siya sa pag-eendorso ni Kathryn, isa ring miyembro ng INC, sa kandidatura ni Mar.

Sabi pa raw pa ni Gladys, bawal sa INC ang mag-endorso ng kahit na sinong pulitiko at umakyat sa anumang entablado sa panahon ng kampanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag namang opinyon ni Cristy: “Sa abot ng aming kamalayan, ang alam namin ay ang mga tagapamuno ng INC ang nagdedesisyon kung sinu-sinong pulitiko ang kanilang dadalhin, nililigawan talaga sila ng lahat ng partido dahil ang nagkakaisang boto ng mga miyembro ng INC ay napakalaking tulong kundi man sila talaga ang nakapagpapanalo sa kandidato.

“Hindi raw yun parehas sa ibang mga personalidad na kinukuha ring endorser ng ibang mga pulitiko, pero sumusunod sa alituntunin ng kanilang relihiyon, kaya tumatanggi sila.”


IS KATHRYN STILL AN INC MEMBER? Inusisa rin daw ni Cristy si Gladys kung miyembro pa ba ng INC ang Kapamilya actress.

Hindi raw ito tuwirang masagot ni Gladys.

Sabi lang niya, “Wala akong alam tungkol sa issue ng pagkakatiwalag kay Kathryn, dahil kung meron, malalaman namin yun, hindi maitatago sa amin.

“Pero ang alam ko lang, e, hindi na siya regular na nakadadalo sa mga Gawain."

BAKIT SI MAR? Samantala, lumabas naman sa YouTube kagabi, November 26, ang video na may pamagat na "KathNiel on Bakit si Mar."

Naglalaman ito ng one-minute testimonial nina Daniel at Kathryn kung bakit nila iniendorso ang kandidatura ni Mar.

Sabi ni Kathryn sa video, si Mar ang napili niya dahil pinapahalagan nito ang edukasyon.

Sabi naman ni Daniel, pinili niya si Mar dahil diretso itong sumagot sa mga isyu at hindi nambobola.

Narito ang naturang video:

Humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng statement mula sa Star Magic, ang nangangalaga sa career nina Daniel at Kathryn, kaugnay ng endorsement ng dalawang stars kay Mar.

Ngunit hanggang sa mga oras na ito ay wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN