Derrick Monasterio reveals getting indecent offer from a socialite

There's more to Derrick Monasterio than just his talent in acting and his sexiness, he is also a serious singer. He says, “Gusto ko po talagang makagawa ng album, and I’m so glad that they gave me this opportunity. In return, I’ll give them my full support, at susuklian ko ng magandang performance."

“Ibibigay ko ang best ko,”


Maraming umiikot na mga shirtless photos sa Internet si Derrick Monasterio na ang karamihan ay kuha sa paghuhubad niya sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash.

Kung pinagpapantasyahan man daw siya ng mga bading at babae, okey lang daw sa kanya.

“Natutuwa nga po ako kasi binabasa ko yung mga comments, na parang yung offensive na sa iba, para sa akin hindi.

“Kasi ano yun, e. Kumbaga ina-admire ka nila, e. Bihira lang naman yung ganun.”

May natanggap ba siyang mga indecent proposals lalo ngayon na hunky na siya?

“Meron, meron,” pag-amin ni Derrick pero hindi rin daw siya na-offend.

“Para sa akin hindi nakaka-offend, nakaka-flatter pa nga, e. Parang, ‘Wow, willing kang magbayad nang ganyan!’”

Kung magkano man ang halagang inalok sa kanya, “Secret,” at tumawa si Derrick.

Pero napilitan itong magsabi, “Seven figures,” na ang ibig sabihin ay milyon ang perang alok sa kanya.

May middleman daw ito at hindi rin bading ang nag-alok sa kanya kundi isang babae, “Socialite. Mayaman po siguro.”

Wala raw siyang natatanggap na alok mula sa mga bading, “Wala, pero may nagpaparamdam.”

Ayon kay Derrick, hindi raw siya natutukso sa ganitong uri ng alok, “Kasi kaya ko namang kitain."

Kailan totodo si Derrick sa pictorials, yung naka-underwear o swimming trunks na siya?

“When the right time comes,” saad niya.



Dating na-link sina Derrick at Sarah Lahbati na ngayon ay nasa ABS-CBN na.

Ano ang nararamdaman niya ngayong nasa kabilang istasyon na ito?

“Ganda, ang ganda!”

May panghihinayang ba siya?

“Wala naman,” at tumawa si Derrick.

Maigting kasi ang pagkakasabi niya na ang ganda ngayon ni Sarah, “Grabe kasi talaga, ibang klase, ang ganda niya.

“Kasi dati nun hindi pa siya nagma-mature, ano pa, bagets pa, nene, pero ngayon, ‘Ahh!’”

SINGING CAREER. Sa ngayon ay sa pagkanta, bukod sa pag-arte, naka-focus si Derrick.

Kakapirma lang niya ng dalawang-taong kontrata sa GMA Records nitong November 25 sa GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko po talagang makagawa ng album, and I’m so glad that they gave me this opportunity.

“In return, I’ll give them my full support, at susuklian ko ng magandang performance.

“Ibibigay ko ang best ko,” pahayag pa ng Kapuso star.

Naroon sa contract signing ni Derrick sina GMA Records Executive Vice President and Chief Operating Officer Felipe S. Yalong, GMA Records Managing Director Rene A. Salta, at GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer.

May limang tracks daw ang album niya at ang paborito niya ay ang "Give Me One More Chance."

“It’s a slow song about a guy who broke up with a girl and regrets it.

“Masarap kasi siyang pakinggan, nararamdaman ko kasi yung message nung song,” pahayag pa ni Derrick.

“Hindi naman true-to-life pero may hugot.”

May tao raw siyang iniiisip sa kantang iyon pero ayaw nitong i-reveal kung sino.

Kasama rin sa album ni Derrick ang revival ng kanta ni Ogie Alcasid na "Kailangan Kita," ang official theme song ng GMA Heart of Asia’s King Of Ambition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN