Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities

Cai Cortez on sexual encounter with Tom Rodriguez: “We were experimenting and we were young and hindi pa siya masyadong sikat nun.”


Noong November 13, nag-guest ang aktres na si Cai Cortez sa podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times With Mo (GTWM).

Dito ay hinimok ni Mo at ng co-host nitong si Mara Aquino si Cai na pangalanan ang ilang celebrities na nagkaroon siya ng sexual relationship at kung sino sa mga ito ang well-endowed.

Inihayag ni Cai, anak ng character actor na si Rez Cortez, na naging sila ni Baron Geisler ng dalawang taon at minahal daw niya ito.

Break na ang dalawa ngayon pero nananatili raw silang magkaibigan.

May agam-agam man noong una, pinangalanan din ni Cai si Tom Rodriguez na nakatrabaho niya sa pelikulang Here Comes The Bride noong 2010.

Depensa ni Cai, minsan lang daw iyon nangyari.

“We were both single at that time.

“Ang hirap 'coz he’s a good friend now.

"And friend ko din yung girlfriend niya," sabi ni Cai, na ang tinutukoy ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

Dagdag niya, “We were experimenting and we were young and hindi pa siya masyadong sikat nun.”

Paghingi pa ng dispensa ni Cai sa nasabing interview sa kanya: “I’m so sorry. I love you. I love you and your girlfriend.

"That was a long long time ago.

“I love those people. They’re such kind-hearted people. Really, really nice.”

Papuri pa ni Cai kay Tom, “He’s a nice guy. He’s very simple.

"Hindi siya feeling. Hindi siya douchebag.

"Hindi masama ugali niya sa mga tao."

Samantala, ilan pa sa mga pinangalanan ni Cai na “well-endowed” na celebrities na nagkaroon siya ng “intimate” relationship o naka-flirt ay sina Dino Imperial at Mikel Campos, na parehong hindi na aktibo ngayon sa showbiz.

Samantala, sa isang hiwalay na interview kay Dino ng GTWM, kinumpirma niyang may nangyaring sekswal nga sa kanila ni Cai.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng iba pang mga binanggit ni Cai sa panayam niya sa GTWM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN