Ruru Madrid not yet ready to pose sexy: “Gusto ko po kasi reding-ready na talaga ako bago lumabas sa mga ganun.”

Mas lalo pa raw pag-iigihan ni Ruru Madrid ang kanyang pag-arte ngayong mabibigat na proyekto ang ibinibigay sa kanya ng GMA. “Binubuhos ko naman po lagi lahat, kumbaga sa lahat ng eksena na ginagawa ko, iniisip ko na parang iyon na yung pinaka-best talaga," ani Ruru.


Sa darating na December 4 ang ika-18 kaarawan ng Kapuso young actor na si Ruru Madrid. May mga nagsasabing tila panahon na upang mag-level up ang binata at magpakita na ng katawan.

Usisa namin kay Ruru kung kaya na ba niyang mag-Cosmo hunk o mapabilang sa mga lalaking celebrities na nagpakita ng kaseksihan sa magazine na Cosmopolitan Philippines.

Nakangiting tugon niya, “Actually madami na po sa akin nagsasabi na mag-Cosmo na ako ngayong 18 na ako.

“E, kaso sabi po ng manager ko si Direk Maryo [delos Reyes] at ng [GMA] Artist Center na kapag 21 na ako.

“Gusto ko po kasi reding-ready na talaga ako bago lumabas sa mga ganun.

"Kasi pangit naman kapag pipilitin mo yung sarili mo e hindi pa naman maganda katawan mo.”

Ano naman ang wish niya para sa kanyang kaarawan? Ani Ruru, “Sana po magtuluy-tuloy po yung career ko.

"Siguro kalusugan din kasi importante po kasi yun, e.”

Nauwi naman sa biruan ang usapan. Bukod sa ganda ng kanyang tindig, guwapo rin talaga si Ruru kaya biro ng ilang press, virgin pa ba siya?

Humahalakhak muna ito bago sumagot. Tugon nito, “Mahirap sagutin, a. Mukha po ba akong hindi virgin?”

Nakausap ng ilang piling miyembro ng media si Ruru sa set visit ng seryeng The Half Sisters kahapon, November 27, sa isang subdivision sa Quezon City.

GABRU LOVE TEAM. Marami na rin ang nakaka-miss sa tambalan nila ng Kapuso teen actress na si Gabbi Garcia. Unang nagbida ang dalawa sa primetime soap na Let The Love Begin na nagtapos noong Agosto.

Balitang nabuwag na raw ang kanilang love team. Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ni Ruru, “Napag-usapan po ulit namin na baka po kami po ulit ni Gab ang magkasama sa next project next year.

“Tapos may isa pa pong babae na hindi ko alam kung sino pa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman po. Lagi naman kami humahanap ng time na magkasama pa rin po. Iba pa rin kasi yung nasimulan naming pagkakaibigan, e.”

Usap-usapan ding nagkakamabutihan na rin ang dalawa sa likod ng mga kamera. Sa tingin ba niya, destiny na niya si Gabbi?

“Si Gab, hindi naman po siya mahirap mahalin, e. Lahat ng tipo sa isang babae na gusto ko, nasa kanya,” paliwanag ng binata.

HAPPY 2015. Ngayong malapit nang magtapos ang 2015, paano niya ia-asses ang taong ito sa kanyang buhay at karera?

Saad ni Ruru, “Okey naman po, kasi po first time ko po mag-lead sa Let The Love Begin, sobrang saya ko po at nagtiwala sa akin ang network.

“'Tapos hindi po ako naubusan, e.”

Dagdag pa niya, ilang linggo lang ang lumipas matapos magsara ang Let The Love Begin sa ere, nag-taping na kaagad siya sa The Half Sisters na extended hanggang January 2016.

Marami rin ang pumupuri sa kanya dahil bukod sa kanyang kaguwapuhan, may ibubuga rin ito pagdating sa aktingan.

Pasalamat pa ng aktor, “Siyempre po, sobrang nakakatuwa po dahil may nakaka-appreciate po ng work ko.

“Binubuhos ko naman po lagi lahat, kumbaga sa lahat ng eksena na ginagawa ko, iniisip ko na parang iyon na yung pinaka-best talaga.

“So, ayun po salamat po na na-appreciate niyo po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN