Barbie Forteza on working with Superstar Nora Aunor in Tuos: ??Sobrang gaan. Kasi pilya din, e.??

Isang malaking karangalan daw para kay Barbie Forteza ang makatrabaho ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Tuos. Bukod pa rito, ipinagpasalamat din niya na extended muli ang The Half Sisters dahil nakapundar na raw siya ng bahay dahil sa show.


Isa sa mga ipinagpasalamat ni Barbie Forteza nitong taong 2015 ay ang indie film na Tuos kasama ang Superstar na si Nora Aunor.

Ang Tuos ay kuwento ng mga miyembro ng isang tribo sa Iloilo, na may binukot o tribe princess. Sa istorya, isasalin na ng karakter ni Nora kay Barbie ang pagiging binukot pero ayaw nito.

Sabi niya, “Ayaw ko. E, kasi parang since bata pa ako, hindi ko pa naintindihan yung mga bagay-bagay, gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang ma-experience ang normal na buhay.

“E, di ba kapag binukot, wala nang buhay, as in doon ka lang sa bahay, hindi ka makakatapak sa lupa, wala kang kakausapin, as in naka-cage ka na.”

Kamusta katrabaho ang Superstar?

Aniya, “Sobrang gaan. Kasi pilya din, e.

"At saka kahit hindi mo itanong, bigla siyang nag-o-open up tungkol sa mga bagay na nagyari sa kanya noon bilang artista, kaya nakakatuwa.

“Hindi siya mahirap kausapin, siya na mismo ang mag-open up.”

Noong look test daw ay ilang pa siya dahil tahimik lang daw ito, pero nagkapagpalagayan na raw sila ng loob noong shooting dahil magaan daw talaga katrabaho ang Superstar.

Ipapalabas ang Tuos sa Cinemalaya 2016.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Barbie sa set visit ng The Half Sisters kahapon ng hapon, November 27.

THE HALF SISTERS. Isa at kalahating taon na ang itinakbo ng The Half Sisters sa ere kaya naman nakaipon na rin si Barbie mula sa kanyang kinita rito.

Ipinagmamalaki niya ang naipundar niyang rent-to-own house sa isang subdivision sa Quezon City.

Masayang kuwento ng 18-year-old Kapuso star, “Meron akong rent-to-own na bahay. Okey naman, maliit lang pero mas malaki dun sa condo.

“Tatlong rooms at may isa pang maid’s room.”

Nakalipat na raw sila ng kanyang pamilya sa naturang bahay. Kaya naman daw, labis din ang kanyang kaligayahan na extended muli hanggang January 2016 ang kanilang panghapong serye sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat, nagtapos na ito noong Oktubre.

Kuwento ng dalaga, “Yun na nga po medyo nalulungkot na po kami kasi parang sanay naman kami na matapos na ganyan-ganyan [ang isang show], 'tapos hindi pa pala.

“'Tapos medyo yung time na yun, medyo sure na kami na matatapos na talaga, kasi nga meron na talagang papalit.

“So, medyo tahimik na kami. 'Tapos medyo last minute, isang linggo bago yung last taping day, biglang nag-announce na hanggang January na, naloka kami lahat.

“Ang saya, masaya yung Pasko namin. “

Ang papalit sana sa The Half Sisters ay ang Wish I May ng tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN