Congressional candidate Mons Romulo clarifies rumored past romance with PNoy

Mons Romulo on trying her luck in politics: “Masarap ang feeling kapag nakakatulong lalo na when I went through the crisis in my life. Na-realize ko na maliit lang ang problema ko compared sa problema ng iba. Malaking tulong sa akin when I’m helping Roman at kapag umiikot ako sa Pasig. Parang naka-count mo na rin ang blessings.”


Natawa ang Pasig congressional candidate na si Mons Romulo nang maungkat ang diumano’y panliligaw sa kanya ni President Noynoy Aquino noong dalaga pa siya.

Ito yung panahong nagtrabaho si Mons sa Malacañang office ni former President Cory Aquino sa loob ng anim na taon.

Kinumpirma niyang dalawang beses na dumalaw noon sa bahay nila si PNoy, pero hindi na nasundan.

Sabi ni Mons sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang akin lang, I think nakantiyawan lang siya ng mother niya.

“So, baka pinagbigyan lang niya ang nanay niya.

“Walang date [na nangyari], dalaga pa ako noon.”

Muling na-revive ang usap-usapan tungkol kina PNoy at Mons nang makipaghiwalay ang huli sa asawa at naging single siya.

Si PNoy ay naging boyfriend ng hipag ngayon ni Mons na si Shalani Soledad-Romulo.

Si Shalani ay asawa ng kapatid ni Mons na si Pasig Representative Roman Romulo, na tatakbong senador sa 2016 elections.

ASPIRING CONGRESSWOMAN. Speaking of Shalani, siniguro ni Mons na wala sa plano ng hipag niyang balikan ang mundo ng public service, dahil priority raw nito ang pagkampanya para kay Roman.

Plano rin umano ni Shalani na magbuntis.

Huling term na ni Roman bilang congressman ng Pasig City at ang kanyang kapatid na si Mons ang magbabaka-sakaling pumalit sa puwesto na mababakante niya.

Nang makausap ng PEP si Mons, isa sa mga itinanong sa kanya ang isyu tungkol kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na romantically linked sa kapatid niyang si Berna Romulo.

Paglilinaw ni Mons, “Wala naman. I think he didn’t go that far.

“I think crush lang naman siya [Berna].

“Sabi niya [Duterte], kung magiging presidente raw siya, yun [Berna] ang gusto niya na maging first lady.

“But that’s all. Hanggang doon lang.”

NOT NEW TO CONTROVERSIES. Hindi baguhan sa kontrobersiya si Mons.

Nabulabog ang dating tahimik na buhay niya nang makipaghiwalay siya, limang taon na ang nakararaan, sa kanyang mister na si Sander Tantoco, na nakipagrelasyon sa TV host na si Cita Revilla, miyembro ng isang showbiz clan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-usapan at naging laman ng mga high-society column ang eskandalo na tinawag na "double betrayal" dahil kaibigan at kasamahan ni Mons sa prayer meeting ang babaeng ipinalit sa kanya ng asawa.

Ayon kay Mons, naka-move on na siya at mabilis na naka-recover mula sa kanyang traumatic experience.

Nakasentro raw ngayon ang atensiyon ni Mons sa mga anak niya na nagkumbinsi sa kanyang kumandidatong house representative ng lone district ng Pasig City.

Lahad niya, “I was telling my son, masaya na ako sa life ko.

“Pero sabi niya, ‘Mom, 50 ka na. Masaya ka na? Contented ka? Kung may magagawa ka na more for others, gawin mo na.’

“Yung first week, inisip ko, ano yung napasukan ko ko but, at the end, you have to love it, e.

“Basta yung frame of mind ko, I have to enjoy it if I want to serve.

“Masarap ang feeling kapag nakakatulong lalo na when I went through the crisis in my life.

“Na-realize ko na maliit lang ang problema ko compared sa problema ng iba.

“Malaking tulong sa akin when I’m helping Roman at kapag umiikot ako sa Pasig. Parang naka-count mo na rin ang blessings.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN