Katrina Halili prioritizes motherhood over vanity: ??Hindi na ako ganung ka-obsessed na maging sexy.??

Katrina Halili admits she doesn't fuss as much about her looks ever since she became a mom: "Noon kasi, sarili ko lang ang iniisip ko.Yung nasa isip ko lang parati ay kailangan sexy ako, payat ako. Hindi na ako ganun ngayon."


Marami nang pagbabago sa priorities ni Katrina Halili.

Kung noon ay sobra itong obsessed sa pagpapa-sexy, ngayon ay hindi na raw niya pansin kung bumibilog ang katawan niya.

Ayon sa dating sexy actress, tapos na ang panahon na nase-stress siya dahil kailangan niyang pumayat at panatilihing 24 inches ang kanyang waistline.

“Hindi ko na napapansin kung tumataba ako o hindi.

“Kasi nga, hindi na ako ganung ka-obsessed na maging sexy.

“Noon kasi, sarili ko lang ang iniisip ko.

“Yung nasa isip ko lang parati ay kailangan sexy ako, payat ako.

“Konting taba ko lang, kailangan magpapawis na ako sa gym at magbawas sa pagkain.

“Hindi na ako ganun ngayon,” pahayag ni Katrina nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Destiny Rose sa Matandang Balara, Quezon City noong November 25.

Prayoridad ni Katrina ngayon ang three-year old daughter na si Katrence or Katie, anak niya sa dating boyfriend na si Kris Lawrence.

Mas inuuna niya ang mga pangangailangan ng anak kesa sa sarili.

“Bilang ina, siyempre, priority ko ang anak ko.

“Kung noon nga, wala akong ibang iniisip. Ngayon may Katie na ako. Kaya sa kanya naka-focus ang atensiyon ko.

“Kesehodang tumaba na ako o mawalan ako ng korte. Ang importante ay nasa maayos na kalagayan ang anak ko at masaya akong makitang malusog at happy ang baby ko,” ngiti pa niya.

PRIDE AND JOY. Nahanap na raw ni Katrina ang tunay na kaligayahan nang dumating ang anak niya.

“Tama ang sabi nila na yung happiness, hindi mo makikita sa sarili mo minsan.

“Mahahanap mo 'to sa ibang tao. At nagkataon na si Katie iyon.

“Dumaan kasi ako sa phase ng buhay na naging maramot ako, naging malungkot ako, nagalit ako sa mundo.

“Noong dumating si Katie sa buhay ko, naiba lahat.

“Parang lahat gagawin mo para sa anak mo. Kahit na masaktan ka pa, mapagod ka pa. Lahat ng sakripisyo gagawin mo bilang isang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masasabi ko na I learned it the hard way. Pero ang ganda ng kapalit, di ba?”

BABY TALK. Ibinalita rin ni Katrina na nakakapagsalita nang diretso si Katie. Kahit papaano raw ay nagkakaintindihan na silang dalawa.

Masayang kuwento ni Katrina, “In fairness, nagkakaintindihan na kami!

“Noon, hinuhulaan ko pa ang mga sinasabi niya sa akin. Ngayon, naiintindihan ko na.

“At ito nga, masakit man aminin, ang unang nasabi niyang word ay ‘Papa.’

“Nagulat ako nang bigla niyang sinabi na ‘Papa!’ Parang hinahanap pa niya.

“Medyo na-hurt ako, kasi siyempre, inaasahan ko na ‘Mama’ ang sasabihin ni Katie dahil ako ang lagi niyang kasama.

“Wish ko lang na hindi siya daddy’s girl, di ba?

“Okey lang na hanapin niya ang daddy niya. Basta isipin niya na nandito si Mama sa tabi niya.”

BACK TO KONTRABIDA ROLE. Samantala, natutuwa si Katrina sa mga magagandang feedback na natatanggap ng teleserye nilang Destiny Rose.

 

Balik siya sa kanyang usual kontrabida role bilang Jasmin, ang babaeng naging hadlang sa kaligayahan noon ni Destiny Rose played by Ken Chan.

Kinatutuwa ni Katrina na minsan, magkahawig sila ni Ken kapag naging si Destiny Rose na ito.

“Aliw akong pagmasdan si Ken, kasi feel na feel niya!

“Minsan nga nararamdam ko na ini-enjoy na niya ang maging babae.

“Aba kahit break namin, ayaw bumitiw sa character niya. Kapag kausap kami, Destiny Rose pa rin!

“Kaya minsan may hinala na ako. Parang may chance!” malakas na tawa ni Katrina.

Dapat daw abangan ang matinding confrontation nila ni Ken sa Destiny Rose. Aabot na raw sa sakitan ang dalawa dahil kay Fabio Ide.

“Masyado na akong nai-insecure kasi kay Destiny Rose, to the point na sumugod na ako sa opisina ni Gabriele [karakter ni Fabio] para magbantay sa kanya.

“Abangan ninyo ang away namin ni Ken.

“Natakot ako sa magiging sampal niya sa akin, e. Kasi kahit girl siya sa teleserye, kamay lalaki pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sabi ko ingatan niya ang mukha ko at baka makalimot siya!” natatawang pagtatapos ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN