Carlo Gonzalez describes cousin Dingdong Dantes's first baby: “Kamukhang-kamukha ni Marian.”

Actor Carlo Gonzalez, Dingdong Dantes's cousin, relates how he was always updated about news regarding Maria Letizia's birth: “Grabe, nakakatuwa! Kasi si Dong [Dingdong], ka-text ko siya noong nasa hospital na sila. Ako, hindi ko talaga sinasabi. I can keep a secret naman, lalo na kapag sinabi ni Dong.”


Si Carlo Gonzalez, pinsan ni Dingdong Dantes, ang isa sa mga nakakita na kay Maria Letizia, ang first baby ng Kapuso actor at ng asawa nitong si Marian Rivera.

Masuwerte si Carlo dahil hindi tulad ng marami sa mga kasamahan at kaibigin nila sa showbiz na puro litrato pa lang ang nasisilayan, nakita na niya ang baby nang dalawin niya ito sa ospital.

Inilarawan ni Carlo si Maria Letizia, na ipinanganak noong November 23, “Kamukha ni Marian. Kamukhang-kamukha ni Marian.”

Walang nakuha kay Dingdong?

“Ang tingin ko, yung kilay,” masayang sabi ni Carlo.

Kamusta na ang proud parents?

Sagot ni Carlo, “Grabe, nakakatuwa!

“Kasi si Dong [Dingdong], ka-text ko siya noong nasa hospital na sila. Ako, hindi ko talaga sinasabi. I can keep a secret naman, lalo na kapag sinabi ni Dong.

“Tapos, noong nag-uusap kami, sinabi ko na, 'Excited na 'ko. Gusto kong dalawin kayo agad.' Ina-update niya ako. Tapos yun nga, makakauwi na raw sila.

“Happy lang ako for them kasi yung transition mula nang mag-propose siya [kay Marian], then ikasal sila at iba naman ‘to, so continued happiness lang.”

NOT IN A RUSH TO BECOME A DAD. Hindi ba nakakaramdam ng inggit si Carlo dahil ganap nang ama ang malapit niyang pinsan?

Ani Carlo, “Ay, siyempre, yung mga kuya ko, may mga anak na rin.

“Puro babies nga sa bahay ngayon. Mahilig kasi ako sa bata. Si Luanne [Dy, his girlfriend] din, mahilig sa bata.

“Siyempre, hindi naman inggit, pero excited na darating din ako sa ganun, eventually. Nakakatuwa rin.”

Nakikita na rin ba niya ang sarili na isang daddy balang araw?

“Kahit naman siguro dati, kasi mahilig talaga ako sa bata.

“Hindi naman sa gusto ko nang magka-baby agad, pero I’m really at home with kids,” pahabol ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN