Carlo Gonzalez reveals secret to enduring relationship with GF Luane Dy

Carlo Gonzalez on tying the knot with girlfriend of five years Luane Dy: “Well, hindi naman siguro kami magtatagal nang ganito kung hindi yun ang final goal.”


Limang taon nang magka-relasyon sina Carlo Gonzalez at ang aktres, TV host at Kapuso showbiz reporter na si Luane Dy.

Sa mundo ng showbiz, masasabing mahaba na ang limang taon para sa isang relationship.

Kaya kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang relasyon ni Carlo at Luane.

Ayon kay Carlo, “Okey naman, may mga ups and downs.

“Pero siyempre, in any relationship naman, you can expect that.

“And then, nasa character rin ng parehong party kung paano nila... how they will deal with it, each obstacle.

“Siguro, yun ang masasabi kong solid sa amin. Yung foundation namin as humans, as persons.”

Kung may “main ingredient” para tumagal ang isang relasyon, ano iyon para kina Carlo at Luane?

Tugon ni Carlo, “Definitely, yung pagmamahal namin sa isa’t isa. It all boils down to that. Kumbaga, when the going gets tough, dun ka lang naman babalik, e.

“Kung may problemang malaki o hindi kayo pagkakaintindihan, at the end of the day, kunyari nag-away kayo, kapag nag-contemplate ka on your own, doon ka lang naman mababalik at makikita mong it’s worth fighting for.”

INVITED TO EX-GF'S WEDDING. Subok na raw ni Carlo ang sarili sa pakikipag-relasyon dahil umabot daw sila ng pitong taon ng dating non-showbiz girlfriend.

Nakangiting dinagdag ni Carlo na invited siya sa kasal ng ex-girlfriend niyang ito.

Papunta na rin ba sila ni Luane sa kasal?

Saad ni Carlo, “Well, hindi naman siguro kami magtatagal nang ganito kung hindi yun ang final goal.

“I mean, siyempre, right now, I can say that I am aiming towards that.”

LIVING IN? Nagli-live in na ba sila ni Luane?

Mabilis na tugon ng aktor, “No. Ang bahay ko, halfway house niya.

“Kasi, tuwing umaga, U.H. [Unang Hirit] siya. E, nakatira siya sa Novaliches.

“So, umaga U.H. siya, kesa bumalik pa siya ng Novaliches, sa amin muna siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutulog siya. Tapos, babalik siya para sa Balitang Tanghali. Tapos uwi na siya. Halfway house niya lang.”

Napag-iisipan na ba nilang magsama na?

Pagklaro ni Carlo, “Well, it’s something to consider. But I’m not on my own yet.

“Nakatira ako kasama ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Traditional kasi kaming pamilya.

“Siguro kapag kasal na. I don’t see myself living outside the family rin kung hindi pa ko bubuo ng sarili kong pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN