Sheena Halili wishes to find Mr. Right next year

Sheena Halili describes the type of guy she would want as her future boyfriend: “Pinagdarasal ko talaga na dumating na yung guy na deserving na maging karelasyon ko... Yung deserving ng attention ko... Yung lalaki na mapagkakatiwalaan mo at yung ibabalik yung love na binigay mo.”


Lovelife ang gustong makamit ng Kapuso actress na si Sheena Halili pagpasok ng 2016.

Matagal na raw loveless si Sheena at gusto na niyang magkaroon ng bagong inspirasyon.

“Pinagdarasal ko talaga na dumating na yung guy na deserving na maging karelasyon ko...

“Yung deserving ng attention ko...

“Yung lalaking mapagkakatiwalaan mo at yung ibabalik yung love na binigay mo.

“Kaya nga ang tawag relationship, di ba?

“So far, wala pang dumarating. It means siguro wala pang deserving para sa akin.

“Ayaw ko namang madaliin ang lahat.

“Darating din naman 'yan sa tamang panahon,” pahayag ni Sheena nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa location taping ng teleseryeng Destiny Rose sa Matandang Balara, Quezon City.


GOOD FRIENDS WITH EXES. Nakadalawang boyfriends si Sheena sa showbiz. Ito ay sina Rainier Castillo at Rocco Nacino.

Parehong nauwi sa hiwalayan ang kanyang relasyon sa mga ito, at ayaw na rin niyang banggitin pa ang dahilan ng breakup nila.

“Huwag na nating ungkatin ang mga nangyari noon.

“Tapos na yun, e. Nag-move na kaming lahat.

“In fairness naman, friends ko pa rin silang dalawa.

“Si Rainier, kahit bihira ko 'yang makita, okey naman kami.

“Si Rocco naman, okey din kami. Nagkasama pa kami sa isang teleserye last year, di ba?

“Kaya everything’s okay. Friends-friends kaming lahat,” ngiti pa niya.

PREFERS NON-SHOWBIZ BF. Nabanggit din ni Sheena na hangga’t maaari ay gusto niyang hindi na taga-showbiz ang maging boyfriend niya.

Nagkaroon ba siya ng trauma sa pakikipagrelasyon kina Rainier at Rocco?

Tugon niya, “Ay, ano ba yun? Wala namang ganun.

“Feeling ko lang na mas magtatagal kung ang karelasyon ko ay hindi taga-showbiz.

“Nasubukan ko na nga, di ba? Walang successful.

"Kaya iwasan na lang natin na mangyari sa ikatlong beses."

Mayroon nga raw nagpaparamdam sa kanya na kasama niya sa kanilang church.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May ganoon… may kung anong pagpaparamdam pa lang.

“Pero ayoko namang pangunahan ang lahat. Hintayin natin ang tamang panahon.

“May mga signs naman akong hiningi kay Lord.

“Hinihintay ko na lang kung mangyayari ang mga iyon.

“So far, wala pa naman kaya kalma-kalma muna tayo.

“Tiis-tiis lang na walang boyfriend pagdating ng Simbang Gabi!” sabay tawa ni Sheena.


THANKFUL FOR TV PROJECTS. Nagpapasalamat si Sheena dahil sunud-sunod ang trabaho niya at hindi siya nababakante.

Magandang therapy raw ang pagiging busy para hindi niya naiisip ang kawalan ng lovelife.

“Bisi-bisihan na lang ako sa work.

"Happy ako na nakasama ako sa Destiny Rose kasi ang ganda ng ratings namin from Monday to Friday.

“Tapos, nagte-trending pa kami sa Twitter.

“Marami kasi ang natutuwa sa kuwento ng Destiny Rose.

“Lahat nga ng mga gay friends ko, nakatutok sa show namin, kasi nakaka-relate talaga sila.”

Sa set nga ay natutuwa sila kay Ken Chan dahil in character daw ito parati.

Ayaw raw nitong bumitiw sa kanyang character hanggang hindi tapos ang taping.

Tinanong namin si Sheena kung ramdam ba nila na sobrang ini-enjoy ni Ken ang pagiging transwoman nito sa teleserye.

“Actually, napapanaginipan ko siya!” sabay tawa niya.

“Sa panaginip ko, tinatanong ko siya at kapag sasagot na siya, bigla akong nagigising!

“Kaya walang chance na malaman ko ang sagot! Echos!

“In fairness to Ken, talagang isinasapuso niya ang pagiging Destiny Rose.

“Talagang hindi mo siya mapapabitiw sa character niya.

“Kaya naman parating maganda ang feedback na nakukuha ng show namin mula sa LGBT community dahil na rin sa husay ng pagganap ni Ken.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN