Pastillas Girl’s mother shot dead in Caloocan City

Patay sa pamamaslang ang ina ni “Pastillas Girl” Angelica Jane Yap na si Teresa Yap sa Caloocan City kagabi, November 29. Isang hindi pa nakikilalang gunman ang nakunan ng CCTV video na dagliang nagpaputok ng baril sa may kanang bahagi ng ulo ni Teresa.


Pumanaw bago mag-hatinggabi ng Linggo, November 29, si Teresa Yap, ang ina ni Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na “Pastillas Girl” ng It's Showtime.

Ito ay matapos siyang barilin sa kanang bahagi ng ulo ng hindi pa nakilalang gunman sa may panulukan ng Tagaytay at Cabanatuan Streets, Barangay 131, Caloocan City.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, November 30, nangyari ang pamamaril sa isang carenderia sa naturang lugar.

Galing sa simbahan si Teresa, kasama ang isa pa niyang anak na babae at isang pamangkin, bago nangyari ang pamamaslang.

Barangay kagawad si Teresa sa kanilang lugar.

Nakunan naman ng CCTV (closed-circuit television) ang pangyayari kung saan nakita rito na isang lalaki na nakaputing t-shirt ang naglalakad papunta kay Teresa.

Matapos ang limang minuto, binaril ng salarin ang ina ni Angelica sa ulo.

Kaagad namang tumakas ang gunman.

Samantala, naisugod pa si Teresa sa Chinese General Hospital ngunit nalagutan na rin ito ng hininga.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang pangyayari.

Humihingi naman ng hustisya si Angelica sa pamamaslang ng ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN