(FOR GUIDE) Vaness del Moral attests she's not into selfie: "Parang ... napaka-vain naman!"

Vaness del Moral is one of the trio of girlfriends led by Carla Abellana and includes Iya Villania in Because of You. She dreads her role somewhat, "Kase-selfie dun sa character ko, 'pag wala na ako sa set, selfie din ako ng selfie... medyo natatakot ako dun sa part na yun."


Sa Because of You ay mahilig mag-selfie ang karacter ni Vaness del Moral na si Alex Tamayo.

Sa sarili niya, rebelasyon ni Vaness, “Ayoko yung mga taong selfie ng selfie… parang ano ba? Napaka-vain nyo naman!

“Ako nga wala akong salamin sa bag, e.” rebelasyon ni Vaness.

Hindi rin daw siya mahilig mag-selfie, “Sobrang bihira akong mag-selfie at bihira akong mag-post sa Instagram ng selfie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vaness sa presscon ng Because Of You, Martes, November 24, sa GMA Network Center.

Ang una nga raw reaksyon ni Vaness nang nalamang selfie addict ang role niya dito, “‘Oh my God!’”

Sabi raw niya sa sarili, “‘Hindi, hindi bale, okay lang ‘yan, role ko lang naman ‘yan.’”

Lahad niya, “Nagse-selfie ako right on… pag nagte-take, pag nagro-roll yung camera…

“Although yung mga selfies ni Alex, yung character ko, sine-save ko siya sa isang folder, e.

“Pinapadala ko sa PA [production assistant] ng Because of You kasi gagamitin din nila yung materials.”

To stay in character, kahit role lang niya iyon, ay madals na nga raw nagse-selfie si Vaness.

“And also, ginawan ko na ng Instagram account din si Alex Tamayo para hindi rin naman sayang yung pictures.

“’Tapos ipo-post ko para sa fans na makita nila kung ano yung ginagawa ni Alex ‘tsaka mga kaibigan niya.”

Pero hindi raw nawawala ang kanyang agam-agam, “Natatakot ako na baka dumating yung time na masanay ako ng kase-selfie.

“Kase-selfie dun sa character ko, 'pag wala na ako sa set, selfie din ako ng selfie... medyo natatakot ako dun sa part na yun.”

LOVE LIFE. Sa The Half Sisters ay masama ang papel ni Vaness bilang kontrabidang si Jackie.

Nagpapasalamat naman daw siya na this time ay mabait at kikay ang role niya sa Because Of You.

Hindi naman rin daw siya nahirapan na mag-adjust going from the character of Jackie to Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nagkaroon naman po ako ng parang, one month and a half na bakasyon after ko sa The Half Sisters.

“Wala akong show, puro guestings so iyon, hindi naman po ako nahirapang mag-adjust.

Sa kanyang personal na buhay ay masaya raw si Vaness sa love niya.

“Masaya, very private! Because… he’s a non-showbiz person.”

Hindi na niya sinabi kung ano ang pangalan nito dahil pribadong tao nga ito. Matanda raw ng dalawang taon sa kanya ang boyfriend ni Vaness.

Simula raw pagkabata ay magkakaibigan na ang parents at mga tiyuhin ng guy at ang mommy at mga tiyuhin ni Vaness kaya naging close sila ng karelasyon niya ngayon.

Nagkalayo lang sila dahil mula sa Baguio ay tumira si Vaness sa Metro Manila at nakipagsapalaran nga sa showbiz.

Fifteen months na daw ang relasyon nila, kuwento ni Vaness, “Kababata ko po siya, from Baguio, but he’s also based here.

“He’s working right now, meron siyang sariling business but next year he’s gonna go back to Law school.”

Si Vaness ay ipagpapatuloy rin ang pag-aaral niya at nais niyang nakatapos ng kursong Criminology o hindi kaya naman ay Psychology.

Sa Because of You ay tatlo silang magkakaibigan dito kasama si Carla Abellana sa lead character na si Andrea Marquez at si Iya Villania bilang si Rebecca Reyes.

Nasa show rin si Rafael Rosell as Oliver Dictado; Gabby Concepcion bilang si Jaime Salcedo; Ms. Celia Rodriguez bilang Feliza Salcedo; Valerie Concepcion bilang Veronica Salcedo; Ms. Kuh Ledesma bilang Charina Santiago; Rey “PJ” Abellana bilang Conrado Marquez, at Joyce Ching bilang Cheska Salcedo.

Narito rin ang mga child stars na sina Jacob Briss bilang si Iñigo Salcedo, Sofia Pablo bilang Candy Salcedo, at Julius Arasga bilang Michael Salcedo.

Completing the cast are Bettinna Carlos as Patricia Sanchez; Carlo Gonzales as Henry Sodico; Michael Flores as Dennis dela Pena, at si Enzo Pineda bilang si Sonny Lacson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa direksyon ni Mark Reyes V, ang Because Of You ay mapapanood weeknights sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN