Mayor Rodrigo Duterte owns up to cursing Pope Francis in his speech

Mayor Rodrigo Duterte: "Pag sinabi ni Pope, nasaktan siya, go ahead, I’m willing to withdraw tomorrow. I will sign the withdrawal. I answer for my deeds if it’s indeed a misdeed, but it was just part of my tongue."


Mabilis na naging viral at headline ng television news and radio programs ang pagmumura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Pope Francis dahil sa matinding traffic situation na idinulot ng pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas noong January 2015.

Nangyari ang pagmumura ni Duterte kay Pope Francis sa kanyang speech nang ideklara siya bilang presidential candidate ng PDP-Laban sa hotel ng Century Park sa Maynila kahapon, November 30.

Dito ay ikinuwento niya ang limang oras na trapik na naranasan nang dumating sa bansa ang Santo Papa.

Umani ng mga batikos at hinusgahan si Duterte dahil sa kanyang pagmumura kay Pope Francis.

Sa live interview niya sa Aksyon Tonite ng TV5 kagabi, hindi binawi ni Duterte ang pagmumura kay Pope Francis, pero ipinagtanggol niya ang sarili laban sa mga batikos na natatanggap.

Pahayag ni Mayor Duterte, “Yung si Pope, sabi ko talaga at napaihi ako.

"Maybe tanungin ninyo ang Pilipino. Ilan ang tao na nagsakripisyo noon?

"Ako, mabuti lang dahil ihi lang ako. E, kung may diarrhea ako? Saan ako bubuga?

"Yung mga tao diyan sa bus, five hours? Yung may mga sakit sa kidney? Tingnan mo yung nanganak sa sidewalk?

"These are the things that’s not acceptable to me."

Patuloy ng presidential candidate, "Sabi ko, yung si Pope, 'Ta***na Pope, umalis ka na lang dito.'

“Sinabi ko, aaminin ko ‘yan. E, recorded, e.

"Siyempre, pag hindi recorded, hindi ko aaminin ‘yan. Ano, gago?"

Ayon pa kay Duterte, handa siyang mag-withdraw sa kanyang kandidatura kung hindi siya mapapatawad ng kataas-taasang pamunuan ng Vatican dahil sa kanyang sinabi.

"Kaya sabi ko, I would address myself to the highest hierarchy of the Roman Catholic Church.

“If you think that I have offended, which are never really, in the first place, not meant to do it, kung hindi ninyo ako mapatawad, the hierarchy o yung Vatican, sabihin ninyo, 'We are offended and we demand that you withdraw from the presidential contest,' I will tomorrow withdraw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang problema.

"Yung sinasabi na bastos ako at hindi dapat ako presidente, I will withdraw.

“Ako kasi kung magsalita, puro mura.

"Talagang pinahirapan, and then we want the Pope to be safe, but the way its being handled, you are really imposing endurance on the people."

Diin ni Duterte, “I am willing to withdraw. Ask the Catholic Church.

"Pag sinabi ni Pope, nasaktan siya, go ahead, I’m willing to withdraw tomorrow.

"I will sign the withdrawal.

"I answer for my deeds if it’s indeed a misdeed, but it was just part of my tongue."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN