Sunshine Cruz open to falling in love again once the right guy comes along: "I deserve to be happy."

Sunshine Cruz on falling in love again: "Puwede naman na! Magta-tatlong taon na akong hiwalay and parang wala naman nang magiging issue. Kasi naka-file na rin naman ang annulment namin [ni Cesar Montano], di ba?"


Ipinahayag ni Sunshine Cruz na hindi siya na-trauma na magmahal ulit, kahit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng asawang si Cesar Montano.

Pahayag ng aktres, “Naku, ang sarap-sarap ma-in love, ano? At masarap kiligin.

"Kaya hindi ako matu-trauma diyan!

“Though, of course, I will be very cautious this time and I'll make sure na kung makikipag-relationship ako, yung sana yun na.

"Hindi na yung paiba-iba, kung may choice ako.

"Pero kasi gamble ang pagmamahal.

"Sabi nga nila, gamble 'yan, e. Di mo alam kung tatagal o hindi.

“But, basta ang akin, kung mayroon man akong ano sa lalaki, yung kailangan nilang gawin, yung matatanggap nila ang past ko at mamahalin nila mga anak ko.

“Siyempre yung respeto. Mahalaga na may respeto lang sa akin at sa mga anak ko.”

Nakatawang pagpapatuloy ng 38-year-old actress, “Tsaka gusto ko siyempre matangkad.

"Matangkad at saka ano naman, kahit hindi naman guwapo.

"Huwag na akong choosy. Tatlo na anak ko, e.

"Pero huwag din naman yung pangit."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine last week sa isang dressing room sa ABS-CBN.


SUITORS. May nanligaw ba sa kanya mula nang naging ‘dalaga’ siya ulit?

Pagtatapat ni Sunshine, “I will be a liar and ipokrita if I say na wala. Mayroon talaga.

"Pero wala pa akong napupusuan at kung mayroon man, I don’t want to waste their time.

“Kapag hindi ko type at nakikita kong wala namang spark, huwag nang patagalin.

"Huwag nang paasahin yung lalaki. Basted na.

“Sa edad kong ito ay hindi na ‘yan pinatatagal.

"Hindi naman ako teenager o nasa 20s na puwede pang mag-take time at patagalin ang buhay.

“Ngayon siyempre, pati mga lalaking nanliligaw sa akin na ang edad ay alanganin na at nagmamadali na ang mga iyan, hindi ba?

"So, kung talagang walang pag-asa, huwag nang patagalin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na ba siyang nabasted?

“Marami na rin, marami na rin akong na-turn down.

"It’s because wala pa akong tatlong taong hiwalay and I’m enjoying my single life right now, my independence and my kids."

Handa na ba si Sunshine magmamahal ulit?

Sagot niya, “I don't know. In God's time I know that he will arrive.

"But right now, I’m just enjoying my life.

"At wala pa kasi talaga akong napupusuan sa mga kung sino mang may interes or nagkakainteres.

“All I can offer right now to those people, friendship lang talaga.

"Wala pa, e. Wala pa ang kilig factor.

"Wala pa kong nakikita na someone na naiisip ko na puwede kong makasama ng matagal na panahon.”


CRUSHES. Inusisa rin ng PEP ang aktres kung sino ang nagpapakilig sa kanya ngayon.

“Kinikilig ako kay Papa P [Piolo Pascual]! Sa Pilipinas, ha.

"At kung sa ibang bansa naman, yung kadarating lang sa APEC [Asia-Pacific Economic Cooperation] summit na si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

“My gosh! Kinikilig ako sa kanya!

"Yung ganoon lang, ganoon-ganoon lang.

“Tapos, may nagsabi sa akin, may nag-comment sa Instagram, ‘He's married.’

"Sinagot ko. Sabi ko, ‘Ano ngayon kung married? Hindi na ba tayo puwedeng magka-crush sa married na guy?’

“E, si Chris Hemsworth nga, si Thor, married yun, e. Crush ko rin, e!

"Aba, hindi naman aagawan yung asawa!

“Nag-post kasi ako sa Instagram ng picture ni Canadian Prime Minister.

"Tapos, may isang nagsabi na, ‘He’s married.’ E, siyempre parang sinagot ko.

“Ayaw ko sanang sagutin. Kaso, teka, because he's married, bawal na magka-crush? Hindi ba?

"Kahit nga si Stephen Curry ng Warriors na basketball player, ang ganda-ganda ng pamilya, pero crush ko yun. Crush lang.

"Pinost ko rin sa Instagram," pabungisngis na tugon ni Sunshine.

Paano kung biglang dumating ang right guy na magpapakilig sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Sunshine, “E, why not?! Puwede naman na!

"Magta-tatlong taon na akong hiwalay and parang wala naman nang magiging issue.

"Kasi naka-file na rin naman ang annulment namin [ni Cesar], di ba? At siya naman…”

Naunang sinabi ng aktres na ayaw niyang pag-usapan si Cesar.

Dagdag niya, “So, parang ang sa akin, everybody deserves to be happy.

"I deserve to be happy. Alam ko 'yan, so yun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN