Polo Ravales enjoys freelance status in showbiz

Polo Ravales on what else is keeping him busy: "Ngayon, since wala pa akong ginagawang teleserye, may iba tayong inaasikasong business. Walang kinalaman sa showbiz ang ginagawa ko ngayon. Mga professionals ang mga nakakasama natin ngayon, kaya ibang mundo ang ginagalawan natin ngayon."


Nakakaisang taon nang wala sa bakuran ng Kapuso network ang aktor na si Polo Ravales.

Nag-freelance si Polo mula nang mag-expire ang kanyang GMA contract last year.

Sa Ilustrado, ang huli niyang teleserye, si Polo ang naging kontrabida kay Alden Richards, na gumanap bilang Dr. Jose Rizal.

Nakailang beses nag-guest si Polo sa ABS-CBN shows.

Hindi natuloy ang dapat niyang salihang ABS-CBN teleserye dahil bigla siyang dumaan sa isang slipped disc operation noong June.

Kaya nagpahinga muna ito at nag-therapy ng ilang buwan.

Inamin ni Polo na nami-miss niya ang pag-arte, lalo na sa isang teleserye.

“Ang tagal ko na palang walang teleserye, more than a year na pala.

“Nakaka-miss din pala ang umarte.

“Dahil nga sa naging operasyon ko, lahat ng mga dapat na gawin kong trabaho sa TV ay natigil muna.

“Kailangan unahin ko muna ang kalusugan ko.

“I’m still undergoing therapy at maingat ako sa mga kilos ko.

“Nakakapag-gym na ako ulit, pero hindi na kasing intense tulad noon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Polo sa press conference ng pelikulang Angela Markado noong November 24.

FREELANCER. Hindi nababakante noon si Polo kapag teleserye ang pag-uusapan, pero wala raw siyang regrets nang magpaalam siya sa GMA-7.

“Noong maging freelancer tayo, mas maraming opportunities na dumating.

“Plus I was able to do some travelling na hindi ko madalas gawin dahil sunud-sunod ang naging trabaho natin noon.

“Ngayon, since wala pa akong ginagawang teleserye, may iba tayong inaasikasong business.

“Walang kinalaman sa showbiz ang ginagawa ko ngayon.

“Mga professionals ang mga nakakasama natin ngayon, kaya ibang mundo ang ginagalawan natin ngayon.

“Pero hindi pa rin natin tinatalikuran ang pag-arte.

"Basta’t may opportunity na makaarte ako, gagawin natin iyon."


ANGELA MARKADO CHALLENGE. Isa si Polo sa mga gumaganap na rapist ng karakter ni Andi Eigenmann sa remake ng 1980 Lino Brocka classic na Angela Markado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang second movie ni Polo sa taong ito.

Huli siyang napanood sa indie film na Of Sinners And Saints, isa sa naging entry sa World Premieres Film Festival.

Saad ni Polo, “I am very thankful kina Direk Carlo Caparas at Tita Donna Villa sa pagkuha nila sa akin.

“Matagal din akong nabakante sa pag-arte at magandang project ang inalok nila.

“Malaking challenge para sa aming lahat ang gawin itong Angela Markado.

“Alam namin na isang classic film ito at ang gawan ito ng remake ay isang malaking risk.

“Pero malaki ang naging tiwala namin kay Direk Carlo at lumabas na maganda ang buong pelikula.

“Dapat nilang panoorin ang pelikulang ito dahil ang husay-husay ni Andi dito.

“Bumilib ako sa mga ginawa niyang mga eksena dito.

“Andi deserves to win an award sa pelikulang ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN