Daniel Padilla reacts to bashers following his decision to support Mar Roxas

Daniel Padilla on bashers: “Tinatanggap ko na lang. Lahat naman may kanya-kanyang opinyon. Hindi naman lahat talagang gusto sa iyo, gusto ang mga desisyon mo. Lahat tayo may right na bumoto kung sino ang gusto nating iboto. Kung sino ang gusto nila, kanila yun. Basta ako, kay Sir Mar ako.”


Tinatanggap ni Daniel Padilla ang mga batikos na natatanggap nila ng ka-love team na si Kathryn Bernardo dahil sa pagsuporta nila sa presidential bid ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Pahayag ni Daniel, "Wala. Tinatanggap ko na lang.

"Lahat naman may kanya-kanyang opinyon.

“Hindi naman lahat talagang gusto sa iyo, gusto ang mga desisyon mo.

"Lahat tayo may right na bumoto kung sino ang gusto nating iboto. Kung sino ang gusto nila, kanila yun.

“Basta ako, kay Sir Mar ako.”

Anu-ano ang mga katangian ni Mar Roxas ang nagustuhan ni Daniel?

Sagot niya, “Kaming dalawa kasi, swak na swak kami.

"Yung personalididad namin, pareho.

"Si Kuya Mar, iba. Napakabait, very humble, very simple. Mabuting tao."

Nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa Pangako Sa Iyo (PSY) Thanksgiving Day sa Fairview Terraces noong Linggo, November 29.


PANGAKO SA 'YO. Samantala, marami ang nakapansing lumalim at lalong naging epektibo ang akting ni Daniel sa mga matitindi niyang eksena sa Pangako Sa 'Yo.

Sabi ni Daniel tungkol dito, “Sa lahat ng nakakapansin, thank you.

"Siyempre work in progress, kumbaga.

"Hindi naman puwedeng magaling ‘yan. Practice-practice din dapat.

"Thank you sa mga nakapansin.

“Marami pa silang dapat abangan. So, huwag silang bibitiw sa mga susunod na mga mangyayari.”

Nagpapasalamat din si Daniel na punung-puno ng tao ang Activity Center ng Faiview Terraces noong PSY Thanksgiving Day.

“Very happy ako para sa lahat ng cast ng PSY and very thankful ako sa mga supporters namin.

“Sa lahat ng mga nanonood ng Pangako Sa 'Yo, thank you very much.

"Sana patuloy nila kaming tangkilikin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN