Tom Rodriguez denies claim that he is already married in the U.S.: “Huwag muna pong mambintang.”

Sinagot ni Tom Rodriguez ang akusasyon ng ilang netizens na kasal na diumano siya sa dati niyang girlfriend sa U.S.


Sinagot ni Tom Rodriguez ang isyung kasal na diumano siya sa USA.

Kuwento ng isang fan ni Tom sa Instagram, may mga fans ang aktor mula sa Amerika ang nagsasabing kasal na umano ang Marimar leading man sa kanyang girlfriend.


Sumagot naman dito ang Kapuso actor at itinanggi ang ibinibintang sa kanya.

Sabi niya, “Look...I am sure you both mean well...pero please lang sana wag bigyan ng kulay ang mga bagay na di dapat.

“I have never been married my whole life and I have no problems with anyone."

Tungkol naman sa hindi umano pamamansin nila ni Carla sa isa't isa, depensa ni Tom, “The only thing na naiisip ko is puyat sa trabaho pero normal lang po yon, lalo na ngayon na patapos na ang trabahong ginagawa ko.

“I appreciate the concern, pero blindly coming to conclusions and assuming is never a good thing po...thank you.”

May paliwanag pa si Tom sa isang netizen: “Wala po akong kasalanan kahit na kanino...lalo na po kay Carla, kaya sana po respeto na lang sa page ko at wag muna pong mambintang. thank you po.

Pero burado na ang ginawang comment na ito ng nasabing netizen.

May mga fans namang nagtanggol kay Tom at sinabing matagal na itong isyu.

Sumagot naman si Tom at sinabing unang beses pa lang niyang narinig ang nasabing isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN