Patricia Javier defends Marc Nelson on gay issue: "Kung ano ang pagkakilala ko sa kanya, dun na lang ako."

Patricia Javieron her special friendship with Marc Nelson (left): "Hindi kami nagkatuluyan ni Marc, kasi nga noon, career muna kami. Pinag-usapan namin yun. Kasi, ang nangyari sa amin nun, pareho kaming struggling pa, e. Ako, meron akong family na sinusuportahan ko. Siya naman, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa buhay niya."


Natuwa si Patricia Javier sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang special friend noon na si Marc Nelson sa music video ng kanyang latest Christmas single na "Ngayong Paskong Ito."

Si Marc ang love interest niya sa music video, at pareho raw nilang in-enjoy ang moment na yun.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling reporters ang singer-actress sa press launch ng single niya sa function room ng Presidental Suites, sa Timog Avenue, Quezon City, noong November 30, hindi naiwasang tanungin si Patricia kung may bumalik na alaala sa kanila ni Marc.

Nangingiting sagot ni Patricia, "Nung sinu-shoot namin yung video, napag-usapan namin na, ‘Let's feel na nandun tayo sa moment na yun. Let's do it na parang nasa moment tayo, para okey tayo.'

"Tapos the whole time, ano... kaya sabi nga ng mga direktor, parang hindi sila nahirapan, isang shoot lang.

"Honestly, ginawa namin yung music video ni Marc, wala pang isang oras. Lahat na yun.

"Dire-diretso yun, at sa bahay pa nila yun. In-offer niya yung bahay niya."

STRUGGLING DAYS. May kilig factor pa ba habang sinu-shoot nila ang music video?

Ani Patricia, "Siyempre, yung moment na yun, merong kilig, di ba?

"Ano... parang bumalik yung past memories.

"Hindi kami nagkatuluyan ni Marc, kasi nga noon, career muna kami.

"Pinag-usapan namin yun.

"Kasi, ang nangyari sa amin nun, pareho kaming struggling pa, e."

Paliwanag ni Patricia, "Ako, meron akong family na sinusuportahan ko.

"Siya naman, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa buhay niya.

"Hanggang sa dumating sa point na sinabi rin niya na, 'Ako, gusto kong i-continue ang life ko, kung ano ang gusto kong gawin.'

"E, ako, gusto kong magkaroon ng sariling family, at hindi ko alam kung kailan mangyayari yun.

"Siyempre, magti-30 [years old] na ako [noon]. Sabi ko, 'Paano ako manganganak nito?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ni Patricia, wala siyang sariling pamilya ngayon kung sila ni Marc ang nagkatuluyan.

"Feeling ko, kung siya pa rin ang boyfriend ko ngayon, wala pa rin akong anak.

"Kasi, hindi niya ano yun...

"Pero si Marc, napaka-loving person 'yan. Priorities lang ang naging problema namin nun.

"Kaya meron talagang kilig moments kapag nagkikita kami.

"Yun nga lang, ibang direksiyon talaga ang gusto niyang tahakin.

"We love each other, pero we can never be together."

IN DEFENSE OF MARC. Ano ang masasabi ni Patricia sa walang katapusang gay issue kay Marc?

Saad niya, "Alam niyo, pagdating sa mga negative stuff na ganyan, ayoko na lang na marinig yun.

"Kasi kilala ko naman si Marc.

"Kung ano ang pagkakilala ko sa kanya, dun na lang ako.

"Dun na lang ako magpo-focus,.

"Kasi kung magpo-focus ka sa negative, para ano pa?

"Kung ano man yun, that's his life.

"Ang importante, kung paano siya makisama.

"Pero hindi ko naman 'yan naramdaman noong na-link pa kami sa isa't isa."


UNDERSTANDING HUSBAND. Nagpapasalamat naman si Patricia sa pagiging understanding ng kanyang asawang si Dr. Robert Walcher, isang chiropractic doctor.

Aniya, "Ang maganda nga kasi, hindi seloso ang asawa ko.

"He knows na magkaibigan na rin lang kami Marc and friends na rin sila.

"Kaya nga nung sinu-shoot yung music video, wala siya [Patricia’s husband] para hindi kami mailang ni Marc.

"Nandun naman yung full trust niya sa akin. At alam niyang trababaho ito, and he’s even very grateful sa tulong ni Marc sa amin."

Samantala, bukod sa pagtatapos ng kanyang album at taping sa teleseryeng Doble Kara sa ABS-CBN, abala rin si Patricia sa kanyang Wellness and Beauty Mission.

Saad niya, "Ito, advocacy talaga naming mag-asawa ito.

"Kahit libre, ginagawa pa rin namin ito, kasi gusto talaga naming makatulong.

"We beleve na ang balik naman nito sa amin ay sobra-sobra pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya yung para sa press, itutuloy talaga namin yun.

"Kailangan ng ating friends sa press ito, at sana early January next year, makapagsimula na kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN