Is Joyce Ching the next GMA artist to grace FHM?

Joyce Ching on why she shed pounds: "Medyo nagma-mature na rin po kasi ako at na-realize ko rin na medyo hindi rin maganda sa TV na malaman. Pero yung sa FHM, parang ngayon po, wala namang nakakaisip."


Inamin ni Joyce Ching na pursigido siyang magpapayat.

“Nagda-diet na po ako ngayon, totoo na. Kasi dati po, press release lang. Ngayon, less everything and more water na,” saad ni Joyce sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Because of You sa Studio 6 ng GMA Network last week.

Seryoso ba ang aktres sa pagpapaseksi dahil siya ang pwedeng isunod na miyembro ng GMA Artist Center na cover girl ng FHM at iba pang men’s magazines?

“Hindi naman po siguro FHM!” natawang sabi ni Joyce.

Dagdag niya, “Pero medyo nagma-mature na rin po kasi ako at na-realize ko rin na medyo hindi rin maganda sa TV na malaman.

"So, yun po. Pero yung sa FHM, parang ngayon po, wala namang nakakaisip.

“Parang dati po yata, nagkaroon ng offer para dun.

"Parang school peg na seksi-seksi. Pero hindi talaga yung daring.

"Pero ako po, hindi pa po ako ready at ayoko rin po.

“Although naiintindihan ko rin naman po na art lang yun, na ganyan.

"Pero hindi mo rin talaga control yung iisipin ng ibang tao.

"And since men’s magazine yun, parang given na agad na iba ang iisipin nila sa ‘yo."

Nakikita ba ni Joyce ang sarili sa cover ng FHM?

Sagot niya, “Sa ngayon, hindi pa po.

"Parang ang bata ko pa po na mag-isip ng ganun.

"At saka yung mga roles na ibinibigay po sa akin, parang mga 17 years old, so parang wala pa po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN