Kathryn Bernardo chooses not to be affected by bashers of her decision to endorse Mar Roxas

Kathryn Bernardo on bashers: "You can’t please everyone. Kahit tahimik ka naman, may magba-bash pa rin sa iyo. Hindi naman namin puwedeng intindihin lahat ng comments. Good comments, why not? If bad comments, mayroon tayong tinatawag na constructive criticisms. Nandiyan naman yung may masabi lang."


Gaya ng ka-love team na si Daniel Padilla, naniniwala si Kathryn Bernardo na hindi siya dapat magpaapekto sa mga namba-bash sa kanila dahil sa pag-eendorso nila ng presidential bid ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Pahayag ng Kapamilya young actress, “You can’t please everyone.

"Kahit tahimik ka naman, may magba-bash pa rin sa iyo.

“Hindi naman namin puwedeng intindihin lahat ng comments.

"Good comments, why not?

"If bad comments, mayroon tayong tinatawag na constructive criticisms.

"Nandiyan naman yung may masabi lang.

“If it’s constructive criticism na makakatulong sa akin, i-embrace ko yun.

"If not, huwag na lang pansinin."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Pangako sa ‘Yo Thanksgiving Day noong Linggo, November 29.

Ano ang reaksiyon ni Kathryn sa mga haka-hakang tinanggap niya ang nasabing endorsement dahil tiwalag na siya sa Iglesia Ni Cristo (INC)?

Tugon niya, “Ang daming nangyayari rin sa INC.

"Feeling ko, parang kailangang ibigay na lang muna natin yung respeto na yun sa kanila at sa akin, para kung anuman ang mga nangyayari. Magulo pa ngayon."

Bakit si Mar ang napili niyang iendorso?

Sabi ni Kathryn, “Aside dun sa mga plano nila sa mga taga-Tacloban, taga-Tacloban sila DJ [Daniel].

"Sinuportahan namin yung plataproma na yun and gusto natin yung isang tao na mapapatuloy niya kung ano ang sinimulan ng Presidente [Noynoy Aquino] natin.

“As first-time voter, importante sa akin ito, e.

"So, dapat ganun ang iboboto ko at susuportahan ko.

"And naniniwala ako na magiging malaking tulong talaga siya sa bansa natin.”

PSY THANKSGIVING DAY. Samantala, nagpasalamat naman si Kathryn sa dami ng mga dumalo sa PSY Thanksgiving Day.

“Thank you sa love talaga sa mga dumalo ngayon sa PSY Thanksgiving Day.

"And maraming-maraming salamat sa patuloy na suporta nila sa Pangako Sa ‘Yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Nagkaroon na ng twists. Maraming bagong characters.

"Hindi natin alam kung kailan talaga magkikita uli sila Yna at Angelo [characters ni Kathryn at Daniel, respectively].

"So, ang daming mga pasabog na dapat abangan."

Marami namang nakapansing malaki ang in-improve ng pag-arte nina Daniel at Kathryn sa kanilang teleserye.

Reaksiyon ni Kathryn dito, “Thank you. Nakakatuwa na napansin nila yun kasi double effort talaga kami.

"Kasi kailangan na habang tumatagal yung story, nag-i-improve din.

“Nagma-mature din ang characters namin.

"Siguro masasabi namin na naka-adjust na rin kami sa mga characters namin as Yna and Angelo. Medyo nakapa na namin.

“Mahirap din i-maintain. Yun ang pinakamahirap dun.

"So, di lang kami, kundi pati management, lahat ng bumubuo ng creatives ng PSY.

"Talagang lalong pinagaganda namin para hindi mawala yung intensity.”


OTHER KAPAMILYA LOVE TEAMS. Madalas magsama ang KathNiel (Kathryn-Daniel), JaDine (James Reid-Nadine Lustre) at LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) love teams bilang guests sa ASAP at Showtime.

Open ba si Kathryn na magkaroon ng project na pagsasamahan ng tatlong love teams?

Tugon niya, “Yes, of course, open kami kung magkaroon ng ganun.

"I think magandang magiging project yun kasi pinagsama-sama kami.

"Of course, bakit naman hindi?"

Nagkausap na ba sila ni Nadine, na ilang beses nang sinasabong sa kanya?

Tugon ni Kathryn, “Yeah, nagkasama kami sa Thank You For The Love, sa ASAP. Nagkaroon ng kaunting talks, ganun.

“Okay naman, but I can’t say na sobrang kilala ko na siya masyado.

"But she’s very friendly and comfortable naman ako sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN