Rodrigo Duterte reveals 30 confessions, quotes, and anecdotes from his presidential bid announcement

Mayor Rodrigo Duterte's warning to violators of the law: "Kapag ako ang presidente ng Pilipinas, kayong mga durogista, iyang araw na iyan magbigti na kayo. O, talagang ipapatay ko kayo. Totoo. Hindi ako nagbibiro."


Pormal nang idineklara ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang kandidatura bilang pangulo para sa 2016 elections sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa Metro Manila.

Diretsahan ding pinangalanan ni Mayor Duterte ang diumano'y pasimuno ng “black propaganda” laban sa kanya.

Aniya, “Anong credentials mo? Ano bang ipakita mo sa Pilipinas, Duterte? Balita namin babaero ka. Tama, tama talaga.

“May asawa ako, may sakit na kaya ayoko pa ilabas yun.

“E, nung inilabas ng mga black propaganda ni [Mar] Roxas, nagalit yung mga anak ko.

“Because if you try to foist a statement or a declaration, it becomes an issue.”

Giit pa ng alkalde, walang katotohanan ang espekulasyong mayroon siyang malubhang sakit.

“Tama 'yan, nag-vacillate ako.

“Una, ayoko ito ilabas kasi ang asawa ko may cancer.

“Una, yung sabi nitong si Mar Roxas, yung mga black propaganda ng bata niya, ako yung may cancer.

“Wala ho ako. Malinis ako dito [throat].”

Humarap si Mayor Duterte sa kanyang mga tagasuporta sa tinaguriang "Mad For Change" event na ginanap sa McKinley West open field sa Taguig City noong Lunes, November 30.

Bukod sa paghayag ng kanyang plataporma bilang presidential candidate sa 2016 elections, matapang ding tinalakay ng alkalde ang mga kontrobersiyang kinahaharap niya ngayon.

Mula sa kanyang apat umanong kinakasamang babae at estilo ng pagsugpo sa kriminalidad hanggang sa mga posisyon niya hinggil sa iba't ibang problema ng bansa, narito ang tatlumpung rebelasyon mula kay presidential candidate Mayor Duterte:

“I AM A WOMANIZER BUT NOT CORRUPT.”

1. "May asawa ako, may cancer. May pangalawang asawa ako.

"Bugbugin mo ba 'yan, may sakit? Siyempre, 'Diyan ka na muna 'Nay, ha?'

"So, naghanap ako ng nurse.

"O, totoo, taga-Bulacan ang pangalawang asawa ko."

2. "May dalawa pa akong girlfriends. O, totoo.

"Gusto ninyo akong maging presidente? Dapat malaman ninyo [ang] pagkatao ko. Wala akong taguin."

3. "Pero eto, I assure you the people of Metro Manila, hindi ito nabubuhay sa pera ng gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto, simple lang itong mga babaeng ito. Kahera yung isa. Tapos yung isa pagpasok mo sa mall, cosmetics.

"Yung sa cosmetics medyo bata. Yung kahera sa isang mall medyo matanda na pero mas maganda.

"Pero hindi ito nabubuhay ng pera ng siyudad ng Davao."

4. "Medyo ambisyosa yung medyo bata. Sabi niya, 'Kaibigan mo naman yung may-ari ng Honda.'

"'Oo, bakit?' 'Sige na, bigyan mo na ako ng repossessed, mura lang.'

"E, sabi ko, iyan nga nagkakabulgaran diyan sa Maynila. Kasi binibigyan ng Porsche, binibigyan Mercedes Benz.

"Sabi ko, 'Saan mo kukunin ang pera [expletive]. Tapos sweldo mo lang.'

"Kaya sabi ko, 'Huwag na. Tutal ano man ang biyahe natin sa buhay nating dalawa? Sunduin kita doon sa boarding house mo. Pasok tayo ng hotel. Short time lang naman. Iuwi kita.'

"Short time lang. Noon nung bata pa ako, overnight, medyo magastos. Every three hours ang kuwentahan ng mga [expletive] na hotel na ito.

"Pero nung matanda na ako, short time, kasi napaka-short time na lang talaga ang panahon ko.

"Pagkatapos ng isang kilat, yun na yun. No more! Kung walang Viagra, hirap pa.”

5. "Eto, binubuhay ko. May sweldo kasi kami.

"Tapos kaming mga mayor, may allowances. Sa market, meron akong allowance. Sa assessment board, meron akong allowance. Malalaki rin.

"Kaya kapag mayor ka, hindi ka na kailangan mangurakot. Sweldo mo tsaka allowances, buhay na."

6. "Itong dalawa, binubuhay ko lang 'yan sa hindi yung mga condo, hindi yung mga bahay sa Greenhills.

"Ito, boarding house lang. Boarding boarding house lang tayo. One thousand five hundred [pesos] a month."

7. "Mas gusto ko ang babae kaysa pera. Ngayon, sabihin mo na magkurakot ako? Twenty-two years akong mayor ng Davao City, hindi ko estilo 'yan."

"JUDICIAL KILLINGS"

8. “May kinidnap doon na Chinese. Dinala nila sa ibang probinsiya.

"She was detained for one month repeatedly raped by four men.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Three months na akong mayor nun. Nung isinauli nila sa bahay, kinuha ang ransom, kumain pa ang mga animal, [at] pinaluto pa yung parents.

"Pero may pinalagay na ako dung pulis na yellowbird. Kapag sabi yellowbird, nandito na ibig sabihin yung hostage.

"Pagbaba nila sa hagdanan, dinala ko dun sa kotse, tapos binuhusan ko ng gasolina, sinindihan ko.

"Tapos sinabi ko sa mga taga-Davao, 'Sino gustong sumunod sa inyo?' Iyan ang gawin ko sa inyo.”

9. "Nagpunta si [Department of Justice Secretary Leila] De Lima sa Davao. The Human Rights Commission investigated me en banc.

"'Mr. Duterte [imitates De Lima's voice].' 'Yes, Maam.' 'You were overheard in a certain incident. But you threatened a certain Alfredo Mendoza.' Akala mo nasa simbahan ka nag-e-echo, e.

"'And what is really reprehensible is that two days after you threatened Mendoza, he was found dead with a gunshot in the head. What the hell is happening to your city?'

"Sabi ko, 'A, ambot!' Ambot is ewan ko. Ambot sa langaw. Well, anyway, trabaho niya iyan.

"And I said, 'Ma'am, if you have the goods on me, if you think the proof would be enough to prosecute me, file a case in court. I'd be happy to see you there.'"

10. "Isang atake sa akin, judicial killing. Hindi ko aminin na pumatay ako ng nakatali na tao na nakaluhod.

"Pinakaduwag mong gawin 'yan. I will not shoot a person na nakaganun.

"Pero kung sabihin mo na may pinatay ako, kaunti lang naman. Siguro mga 1, 2, 3, 4."

11. "Itong taon ngayon mag-umpisa this 2015, [dahil sa] droga, pinatay ko dalawang pulis. Kaya aywan ko kung magawa ko 'yan.

"Pero kapag ako ang presidente, I'm sorry to say, hindi ako hambog, but that has always been my policy.

"I cannot protect people without killing you.

"Do not force me to kill you. Umalis ka na lang sa Pilipinas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIGHT AGAINST CRIME.

12. "Kapag inutusan ko yang mga pulis, kapag hindi kaya ng pulis, utusan ko ang military. Tutal hindi rin ako ang may kagagawan niyan.

"[Nung] panahon ni Gloria Arroyo, she raised the drug problem to the level of a national security issue. Panahon ni Presidente Arroyo, iyan ang gamitin ko.

"I will call the military. Sabihin ko sa kanila, pati pulis, 'Patayin ninyo lahat ng durogista dito sa Pilipinas. Kasi kapag hindi ninyo patayin, kayo ang patayin ko.'"

13. "Yung mga kriminal, kung may kapatid ka o pinsan na nawala na, sinabi ko sa inyo, ang una kong ligwakin, kriminalidad at saka droga.

"Kapag ako ang presidente ng Pilipinas, kayong mga durogista, iyang araw na iyan, magbigti na kayo.

"O, talagang ipapatay ko kayo. Totoo. Hindi ako nagbibiro.

"Kaya sinabi ko do not go to Davao and do drugs. I will kill you.

"You know, ang droga has destroyed this generation."

14. "Ang Davao maski saan ka maglabas. Ang ibinigay kong standard sa police pati milatary, ganito, 'You ask your wife or your beautiful daughter to walk and roam the streets of Davao city at night until the wee hours of the morning. Kapag nakauwi silah, indi naman namolestiya, wala namang dumukot sa suso o sa panty, wala naman nangholdap sa kanila, at nakangiti dumating sa bahay ninyo, yun ang habulin ninyo para sa lahat ng tao.'"

15. "Ang hingiin ko sa inyong Pilipino, kung ano lang ang tama. Ang akin sa Davao, what's the law, yun ang sundin.

"Ano ang batas? Huwag ka magnakaw. Huwag ka mag-holdup. Huwag ka mag-kidnap."

HEAVY TRAFFIC IN EDSA.

16. "Ang city of Manila itself, hindi lang EDSA, it's overloaded. Ang kotse siyempre marami.

"How do you solve the problem sa Manila? Walang solusyon. Huwag na ako magyabang.

"Gusto mo, sunugin na natin. Palabasin mo lahat ng tao, buhusan mo lahat ng gasolina malinis 'yan bukas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AIRPORT CONGESTION.

17. "Ang landing NAIA [Ninoy Aquino International Airport]. Kaya late 'yan kasi at any given time, there are about 30 [na] eroplano naghihintay ng final approach.

"Hangga't hindi maubos ang 30 dito, hindi kami maka-takeoff dun [sa Davao] kaya palaging delayed."

MRT WOES.

18. "Itong train sa Maynila, pagdaan ng isa puno, pagdaan ng dalawa puno. 'Teka, a, nandito na yun. Alas-siete ng umaga pa naman. Siguro naman kapag alas-dos may train na dumaan dito.'

"[Expletive] sino ba naman? E, dagdagan mo lang every five minutes or seven [intervals ng train]. Manghiram ka ng pera."

NO TO DAP, PORK BARREL.

19. "Kung ako mag-presidente, wala na yung pork barrel, wala mang livelihood program.

"Kung ako mag-presidente, pati presidente wala nang hawakan na pera na nasa kanya yung poder kung kailan niya ibigay, magkano ibigay, kanino ibigay.

"Pati ako, buksan ko yung libro ng Malacañang. Kung merong magandang naghintay sa labas, buksan ko yung pinto ng kwarto ko."

FREEDOM OF INFORMATION.

20. Then I will fix government. Nobody but nobody will have the authority, including the president and congress, na may pera na lump sum 50 billion pesos [na] hindi [naka] specify sa budget.

"Ibi-veto ko 'yan. Hindi ko palusitin 'yan.

"Kailangan to the last project, walang 50 billion pesos. Ilista mo kung ano 'yang 50 billion na 'yan [expletive]."

PEACE TALKS IN MINDANAO.

21. "There has to be an inclusive peace talks with everybody. Si [Jose] Maria Sison [founder of Communist Party of the Philippines], he was once upon a time professor ko. Hanggang ngayon magkakilala pa kami.

"'Yan, umiikot diyan, di ba? Sabi niya, 'If Duterte wins, he will come and he will talk.'

"So, I will have to ask the Moro people also kung 'yang BBL [Bangsamoro Basic Law] huwag na 'yan.

"Kung ayaw ng kongreso, e, di huwag. Maghanap tayo ng paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And [Nur, founder of Moro National Liberation Front] Misuari has to come out. Usap tayo kung anong mabuti sa bayan."

BUDGET ALLOCATION IN MINDANAO.

22. "Ngayon, ang amin is IRA [Internal Revenue Allotment]. Mindanao contributes to the national wealth 54 percent of the total export earnings in dollars.

"Wala kayong tanim dito sa Luzon. Nandun lahat sa Mindanao...

"Ngayon, kami nagtatanim dun. Banana, pineapple, cocoa.

"Alam mo kung anong nasasauli ng local government? Nineteen percent.

"'Yang 19 percent, paghahatian namin 'yan. So, ilan ang bumabalik?

"Kaya galit itong mga Moro, itong mga Maguindanao, Maranao, kami galit. Saan na ba pera namin?"

'UNSPENT' YOLANDA FUND.

23. "Ok lang sana kung sabihin, 'Mayor Duterte there's a reduction of something like six percent of the total budget for the local government, simply because we need money to rehabilitate further Yolanda.

"[Expletive] 52 billion [pesos] na wala pang nakikita 'yan. Somebody has to answer for that. One day.

"Hindi 'yan puwedeng tabla-tablahin mo lang. Someday may mananagot talaga 'yan."

FEDERALISM.

24. "Ngayon, kung lulusot 'yang federalismo, o ayan, okay na. Your BBL will remain. Yung inyong oil, inyo 'yan.

"Because federalism is you retain most what you have and your income.

"And you only contribute to the federal government, 60-40 would be a good arrangement."

TANIM-BALA ISSUE.

25. "Dito tayo sa tanim-bala. Huwag ninyo gawin 'yan.

"Baka sabihin ninyo nagbibiro ako. Magtanong na lang kayo sa pulis.

"Marami akong pinakain na magkilkil, nanghihingi sa driver [ng lagay]."

PLANE FLIGHT WITH VP BINAY.

26. "Kanina, si Vice President [Jejomar Binay], nagkita kami.

"Nung may sabi sa akin na kasama ka ni Vice President sa eroplano, sabi ko, wala akong problema, matanda na ako, I can go anytime.

"Pero sabi ko doon sa Diyos, nagdasal ako. 'Diyos, huwag mo lang ihulog ito [expletive]. Kasi ang bise presidente nandito.'

"E, ako pa naman kandidato pagka-presidente. Baka sabihin ni Vice [President] Binay, binutasan ko yung eroplano para malaglag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tabla-tabla na! E, di wala na kayong problema, dalawa na lang.

"Yung isa ambushin mo, yung isa lasunin mo.

"E, di wala na. Walang problema ang Pilipinas."

DISQUALIFICATION ISSUE.

27. "Sabihin ng Comelec [Commission on Elections] i-disqualify, e, di i-disqualify. Walang problema, uwi ako bukas sa amin. Hindi ako hot na hot diyan."

PERSONAL STAND ON MARIJUANA.

28. "Yung henerasyon namin, nung una, dito sa pahithit sila ng marijuana. Kaming magka-brad halos magkabarilan kasi pinipilit nila ako.

"Pero [expletive] ka wala naman nakakatawa dito, kanina pa kayo hagikgik nang hagikgik, para kayong buwang.

"Huwag mo ako isali sa ganun kasi hindi ko talaga feel yun. Hindi ko type yun."

WEAKNESS FOR BOOZE.

29. "Yung sa Legarda, yun ang totoo. Pagbaba mo diyan sa Legarda, yung kanto, di ba sa San Beda, tapos pagbaba meron diyan?

"Diyan kami. Yumaman 'yang tindahan na 'yan kasi wala kaming ginawa kundi mag-inom nang mag-inom."

FLUNKING HIGH SCHOOL.

30. "Dalawang beses ako kumuha ng Economics [expletive]. E, ordinaryo lang ako, e. Hindi naman ako valedictorian. Ako, totoo, seven years ako sa high school."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN