PEP EXCLUSIVE. Rocco Nacino still mum on rumored breakup with Lovi Poe

Nananatiling tikom ang bibig ni Rocco Nacino tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ng girlfriend na si Lovi Poe. Gusto raw muna nilang gawing pribado kung anuman ang pinagdadaanan nila ngayon.


Binigyang linaw ni Rocco Nacino ang kanyang Instagram post noong November 22, kung saan sinabi niyang walang katotohanang may joint account sila ng girlfriend na si Lovi Poe at ang paglustay diumano niya sa kanilang pera.

Idinagdag pa ng Kapuso actor sa kanyang post na walang third party sa diumano’y on the rocks nilang relasyon ng kasintahan.

Read: Rocco Nacino clears allegations about rumored breakup with Lovi Poe; remains mum on real status of their relationship

Kagabi, December 1, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa 10thWalk of Fame event sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

Isa ang StarStruck alumnus sa 30 personalidad na ginawaran ng bituin sa pamosong Walk of Fame sa Eastwood Citywalk.

Pahayag ni Rocco tungkol sa isyu, “Oo nga, e. Medyo naging disturbing, e.

"Nag-usap kami ng managers ko, and sabi namin, ‘Sobra naman.’

“Kampante naman akong magsalita kasi wala namang katotohanan.

"No joint account, wala naman akong ginastos.

“In the first place, bata pa kami, they advised us na magkaroon ng joint account so…

“I would never do that.

"And walang third party, so malinis ang konsensiya ko."

Sa palagay niya, saan nanggaling ang isyung ganun?

Tugon ni Rocco, “Di ko nga alam, e. Kumalat na lang nang kumalat. Lumaki nang lumaki.

"Hindi ko alam kung bakit ganun.

"So, at least na-clear na, and okay na."

KEEPING THINGS PRIVATE. Napapansin ng mga tagahanga nina Rocco at Lovi na hindi na sila nagpu-post ng mga larawang magkasama sa kanilang Instagram accounts.

Dati rin ay magiliw silang nagsasalita tungkol sa kanilang relasyon.

Ngunit ngayon, tila tahimik ang dalawa sa diumano’y hiwalayan nila.

Diretsong tanong ng PEP kay Rocco: Once and for all, kayo pa ba ni Lovi?

Sagot ng aktor, “It’s something that we want to keep private. Yeah, siguro ayaw ko munang pag-usapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pinagdadaanan ba sila?

“A, hindi sa… sorry [not] to answer…

“I don’t want to say anything about it baka lumaki pa.

“Okay pa naman. Okay pa naman lahat. Okay pa naman lahat.

"Yun lang, ayaw lang namin magsalita about that.

“We gonna keep things private.”

Kasalukuyang nasa Italy si Lovi, kasama ang ina, para magbakasyon.

“FRUITS OF MY LABOR…” Sa kabilang banda, maituturing naman ni Rocco na bunga ng kanyang pagkayod sa showbiz ang karangalang mapabilang sa mga pangalang may bituin na sa Walk of Fame.

Read: AlDub, JoWaPao, Enrique Gil, Rocco Nacino, Julie Anne San Jose, Sam Concepcion lead Walk of Fame 2015 inductees

View: AlDub, JoWaPao, Enrique Gil, Sam Concepcion, Julie Anne San Jose, Rocco Nacino lead 10th Walk of Fame inductees

Pahayag niya tungkol dito, “It’s a great feeling at ito yung fruits of my labor.

"At natutuwa ako na nire-recognize nila at binigyan nila ako ng star.

“Dati, pumupunta ako dito, yung hands ko sa pocket, nababasa ko lang ‘tong mga pangalan nila.

"Ngayon, kasama na yung akin.

“I’m really, really happy and grateful sa recognition na ‘to.

"Sabi ko nga sa parents ko, idi-dedicate ko ‘to sa lola ko.

“I want her to feel proud na yung apo niya, nakamit niya ‘to.

"Para makita ng lola ko yung apelyido niya, nasa star na ‘to."

(Photo by Aileen Samson)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN