PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julie Anne San Jose happy to be part of Walk of Fame 2015

Julie Anne not tired of doing three TV shows on GMA.
by Arniel C. Serato
Published Dec 2, 2015
“Masaya po yung feeling,” pahayag ng Buena Familia star na si Julie Anne San Jose dahil napabilang ang kanyang pangalan sa 30 binigyan ng mga bagong bituin sa 2015 Walk of Fame sa Eastwood Citywalk.

Karangalang maituturing para kay Julie Anne San Jose na mapabilang sa 2015 Walk of Fame inductees.

Sa taong ito, 30 personalities ang binigyan ng bituin sa pamosong Walk of Fame sa Eastwood Citywalk, sa may Libis, Quezon City.

Sabi ng Kapuso singer-actress, “It’s really an honor to part of it kasi isa po ako sa mga napili na mabigyan po ng badge dito sa Eastwood.

“Talagang nakakataba ng puso kasi bukod po dun sa may GMA, kasi may parang stars dun, nagkaroon din po ako dun, and dito naman po ngayon.

“And masaya po yung feeling and masaya din po kasi mainit yung pagtanggap ng mga tao.”

Maliban sa kanya, binigyan din ng stars sa Walk of Fame kahapon, December 1, sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Alice Dixson, Rocco Nacino, Enrique Gil, Eula Valdes, Julie Anne San Jose, Sunshine Dizon, Jake Vargas, Sam Concepcion, Dindi Gallardo, Randy Santiago, Buboy Villar, Kara David, Gerphil Flores, The Company, at si Harlene Bautista na siyang nagrepresenta sa kanyang ama na si Butch Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba pang mga inductees na sina Alden Richards, Camille Prats, at Mark Bautista ay hindi nakadalo sa pagtitipon.

Read: AlDub, JoWaPao, Enrique Gil, Rocco Nacino, Julie Anne San Jose, Sam Concepcion lead Walk of Fame 2015 inductees

View: AlDub, JoWaPao, Enrique Gil, Sam Concepcion, Julie Anne San Jose, Rocco Nacino lead 10th Walk of Fame inductees

ON TV EVERY DAY. Mula Lunes hanggang Linggo ay mapapanood sa telebisyon si Julie Anne.

Kasali siya sa panghapong seryeng Buena Familia (Monday to Friday), Pepito Manaloto at Day Off (Saturday), at Sunday PinaSaya (Sunday).

Pero wala raw naramdamang pagod si Julie Anne dahil blessings para sa kanya ang mga ito.

Nadagdagan pa ng kasayahan nila nang malamang extended hanggang January 2016 ang Buena Familia.

Sabi ng 21-year-old singer-actress, “Oo, sobrang saya po ng feeling, kasi talagang magaganda po yung feedbacks ng mga tao.

"And from day one po, sinuportahan po kami ng viewers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagpapasalamat po kami kasi yung story, yung cast po, talagang pinagbubutihan po talaga namin, para mabigyan ng magagandang entertainment yung mga viewers.”

Read Next
Read More Stories About
Julie Anne San Jose
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Masaya po yung feeling,” pahayag ng Buena Familia star na si Julie Anne San Jose dahil napabilang ang kanyang pangalan sa 30 binigyan ng mga bagong bituin sa 2015 Walk of Fame sa Eastwood Citywalk.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results