Alden Richards on possibility of courting Maine Mendoza for real: "Of course! She's single, I'm single."

When asked if there's a possibility that his love team with Maine Mendoza turns into a reality, Alden Richards said, "Of course! She's single, I'm single."


Naging mabilis ang sagot ni Alden Richards nang tanungin kung posible bang maging totohanan ang love team nila ni Maine Mendoza.

Sina Alden at Maine a.k.a. Yaya Dub ang bumubuo ng phenomenal love team na AlDub.

Sa ginaganap na bloggers' conference ng pelikulang My Bebe Love ngayong hapon, December 2, sa Annabel's restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, ay tinanong ang Pambansang Bae kung may posibilidad na ligawan niya nang totohanan si Maine.

Sagot ni Alden, "Of course!

"Kasi she's single, I'm single, so the possibility is very open."

Ang My Bebe Love, na idinirek ni Jose Javier Reyes, ang unang pelikula nina Alden at Maine bilang magka-love team.

Kasama nila sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na ito sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN