Sen. Grace Poe still hopeful that she will be allowed to run for president

Sen. Grace Poe: "Hinihiling ko po ang inyong panalangin at ang inyong kumpiyansa na huwag po tayong bibitiw sa ating adbokasiya na maayos natin ang ating bansa at walang maiiwan sa ating bansa."


“Laban lang, anak.”

Ito ang mensahe ni Susan Roces para sa kanyang anak na si Senator Grace Poe nang malaman niya kagabi, December 1, ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na i-disqualify sa presidential race ang standard bearer ng Partido Galing at Puso.

Past 12 midnight ng Miyerkules, December 2, nang puntahan ni Susan ang anak sa bahay nito, pagkatapos ng taping niya para sa ABS-CBN primetime series na Ang Probinsyano.

Nalaman ni Susan sa radyo ang malungkot na balita habang dinner break sa taping ng teleserye ng ABS-CBN.

Na-appreciate naman ni Senator Grace ang pagbisita ng ina para ipakita ang moral support, kahit pagod sa trabaho ang former movie queen.

Pahayag ni Senator Grace sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo ngayong araw, “Bilang nanay, gusto lamang niya na bigyan ako ng konting suporta sa mga panahon na ‘yon.

WORTH THE WAIT. Sinabi rin ng senadora na ipinaalala sa kanya ng ina ang mga pinagdaanan ng yumao niyang ama na si Fernando Poe Jr. nang kumandidato ito bilang presidente ng Pilipinas noong 2004.

“Worth the wait” daw ang mga ganitong klase ng sakripisyo.

Saad pa niya, “Tinuruan ako ng nanay ko na maging matapang din kaya ang pagpunta niya ay para makiisa at para mapaalala rin sa akin na talagang ang mga pinagdaanan noon ng tatay ko, na hindi na ito bago.

“Sabi niya, worth it naman ito, e.

“Kasi kung saka-sakaling ikaw ay pagpalain at sabihin ng Diyos na ikaw ay karapat-dapat para diyan, ang dami mong puwedeng tulungan.”

Umaasa si Grace na tulad ng kanyang ama, hahayaan din siya ng Korte Suprema na tumakbo sa pagka-pangulo at ipaubaya sa taumbayan ang desisyon sa kanyang kandidatura sa pamamagitan ng isang malinis na halalan.

Panawagan niya, “Kagaya nga ng nangyari sa aking amang si FPJ, kung saan pilit siya na idini-disqualify, pero sa huli ay natuloy pa rin ang kanyang kandidatura, hinihiling ko po ang inyong panalangin at ang inyong kumpiyansa na huwag po tayong bibitiw sa ating adbokasiya na maayos natin ang ating bansa at walang maiiwan sa ating bansa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN