Korina Sanchez says she expected people to bash KathNiel for endorsing Mar Roxas

Korina Sanchez on how she and her husband, presidentiable Mar Roxas, convinced celebrities to campaign for the former DILG secretary: “Sa pagpili ng pangulo, kailangan kausapin mo ‘yan dahil that’s a very personal choice at hindi mo rin kailangang utusan ‘yan. Hindi mo rin puwedeng bilhin. So, we talked to them. We had dinner. Nakilala nila. Walang pilitan talaga kasi nakakahiya.”


Iba-iba ang opinyon ng mga tao sa pagkuha ng presidential candidate na si Mar Roxas kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, a.k.a. KathNiel, sa kanyang kampanya para sa 2016 elections.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang misis ni Mar na si Korina Sanchez kung ano ang basehan nila sa pagkuha sa KathNiel at sa iba pang mga artistang mapapanood sa "Fast Forward" MTV ni Mar, gaya nina Billy Crawford at Kris Lawrence.

Tugon ng broadcaster, “Kaibigan kasi si Karla [Estrada, ina ni Daniel].

"Alam niyo, halos lahat ng nandoon, alaga ni Arnold Vegafria [talent manager].

"E, si Arnold, parang kapatid ko.

"Sabi niya, ‘Ay, naku, kay Mar kaming lahat!’

“Sabi ko, 'Hindi ganyan. Sa pagpili ng pangulo, kailangan kausapin mo ‘yan dahil that’s a very personal choice at hindi mo rin kailangang utusan ‘yan. Hindi mo rin puwedeng bilhin.'

"So, we talked to them.

“We had dinner. Nakilala nila [si Mar].

"Walang pilitan talaga kasi nakakahiya."

Pagdating naman kina Kathryn at Daniel, sinabi ni Korina na si Daniel muna ang kinausap nila.

“Si Daniel muna… kasi nahiya naman ako na, ‘Uy, isama mo naman si Kathryn.’

"Bahala na si Daniel sa kanya. Si Daniel na ang nag-convince kay Kathryn."

KATHNIEL’S BASHERS. Nalulungkot ba si Korina na may namba-bash kina Kathryn at Daniel mula nang malamang ini-endorse nga mga ito si Mar?

Saad niya, “Ano, it was expected.

“Lahat naman ng tao, may manok, e. Hindi naman ‘yan 100 percent kay Mar.

"Expected na nila yun. Kinausap na rin namin sila na baka magkaroon kayo [ng haters].

“But according to our analytic, we have a digital analytic mechanism, it’s 80 percent positive for KathNiel.”

Sa hayagang pagsuporta nina Kathryn at Daniel, tila sinira nila ang pananaw ng ilan na bawal mag-endorse ng mga pulitiko ang Star Magic artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa parte ni Kathryn, tila sumuway siya sa kautusan ng kanilang simbahan na Iglesia Ni Cristo, na kilala sa pagkakaroon ng bloc voting.

Ayon kay Korina, “It’s a constitutional right, it’s freedom of speech, freedom of choice.

"And that is our right, voting.

"So, constitutionally, you can’t really make bawal unless nagpapabawal ka.

“I think na pinagbabawal ng Star Magic. They discourage [them].

"But then, in the end, I’m very thankful to Johnny Manahan and Mariole Alberto. Pinabayaan naman nila."

NO MONEY INVOLVED? Ano ang opinyon ni Korina sa mga nagsasabing nababahiran ng pera ang pag-endorso ng mga artista sa mga pulitiko?

May nagsasabi kasing milyon ang ibinayad ng kampo ni Mar sa KathNiel para ikampanya ang presidential candidate.

Sabi ni Korina, “Wala kaming ganung milyon.

"Believe me, oh my God, nagbabalak na nga akong magbenta ng mga paintings ko!

“Ang dami ko pang gustong gawin... I wish.”

Unfair ba, hindi lang sa KathNiel, kundi sa kanilang mag-asawa ang paratang na nagbabayad sila ng milyones para sa kampanya?

Sagot ni Korina, “Well, you know, they’re adults.

"This is the first time they’re voting that’s why they wanted to do this.

"Kasi, unang beses nila, excited sila.

"No, nothing.

“I’m very grateful to Karla, yung nanay. Siyempre siya ang nagha-handle ng career [ni Daniel].

"Sabi ko, 'Karla, hindi namin kaya yung super-milyones. Siguro we will give them good accommodations wherever we go. And then, ano ba ang hilig niyang pagkain?'

“Nagpapadala ako palagi ng alimango. Pinapalipad ko galing Capiz yung alimango.

"Si Daniel, mahilig sa alimango. Tamang-tama, sa Capiz."

Bukod kina Kathryn, Daniel, Billy, Kris at Jay-R, makikita rin sa "Fast Forward" MTV sina Karylle, Angelu de Leon, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Rufa Mae Quinto, Carla Abellana, James Yap, at Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam na sinuportahan sila ng mga artistang ito, na karamihan ay ngayon lang mangangampanya para sa isang pulitiko?

Sagot ni Korina, “Naku, oo! Alam niyo, hindi lang nga namin pinalabas [ang video] kasi ayaw ni Mar.

"Sabi niya, ‘Masyadong pulitika ‘yan, Party lang tayo ngayon.’

“We had a video, yung ‘Bakit si Mar?’ Lahat ng artista, nagsabi kung bakit.

"That’s online, ha. You wanna look at that.

"Si Daniel nagsabi kung bakit, si Kathryn, si James Yap, lahat sila.

“Nakakatuwa naman.”


WHY MAR? Bakit si Mar ang dapat ibotong susunod na pangulo ng bansa?

Mabilis na tugon ni Korina, “I think he’s the best brand.

"Napakaimportante na parati niyang tinatanong sa sarili niya ang motibo niya. Nae-exercise namin yun sa bahay.

“Sasabihin niya sa akin, ‘Why am I doing these again? Can you remind me why I’m doing this again?’

"He’s always trying to inspect himself why he has to do it.

“Alam niyo naman na kumportable naman ang buhay niyan. So, bakit siya susuong diyan?

"Sikat na investment banker sa New York ‘yan. So, bakit ka babalik dito para banat-banatan ka, di ba?

“In Yolanda [killer typhoon na sumalanta sa bansa noong 2013], muntik na siyang mamatay dun. Hindi alam ng tao.

"So, I really know that he wants to serve the country and not only [that], his attitude is in the right place, he’s the most equipped.

“No one is perfect.

“Not any of the candidates is perfect, but among all of them, if I were to choose a driver na maghahatid-sundo ng anak ko araw-araw, dun na ako.

"May karanasan, maganda record, walang kaso, at saka marunong magmaneho, dun na ko.

“Kasi kapag pinasimple mo yung tao, nagiging simple ang sagot.

"So, ang tanong ko, kung pipili ka ng driver na magmamaneho ng anak mo araw-araw papuntang eskuwelahan, sa apat na aplikante, sino ang pipiliin mo doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anak mo ang minamaneho, para sa akin nagiging simple ang sagot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN