Marian Rivera and Dingdong Dantes finally reveal photos of Maria Letizia

Sa unang pagkakataon ay inilabas na ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ang larawan ng kanilang panganay na anak na si Maria Letizia, sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram accounts.


Pagkalipas ng sampung araw mula nang ipanganak ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang panganay na anak nila ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, si Maria Letizia Gracia Dantes, noong November 23, ibinahagi na ng mag-asawa ang larawan ng kanilang anak, sa unang pagkakataon, sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram accounts.

Matagal na hinintay at pinanabikan ng publiko, lalo na ng mga tagahanga nina Marian at Dingdong, na makita si Maria Letizia.

Lalo pa nga't mula nang isilang ni Marian si Baby Z ay ilang larawan ng sanggol ang lumabas sa Internet at sinasabing iyon ang anak ng Kapuso royal couple.

Pero ngayong araw, December 3, opisyal na unang ipinakita nina Marian at Dingdong sa publiko ang larawan ng kanilang anak.

Naging madamdamin ang caption ni Marian sa larawan ni Maria Letizia, na nakangiti habang natutulog:

"41 weeks akong naghintay, 18 hrs na nag labor. Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat.

"Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko @dongdantes

"At sa araw na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga tayong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako at siya-- si Maria Letizia. Ngayon, masassbi ko na tayo'y isa nang ganap na pamilya, at ako'y isa nang ganap na ina.

"Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia."

Sa Instagram post naman ni Dingdong ay maikli lamang ang kanyang naging mensahe sa caption: "I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10. #MariaLetizia"

Katulad ng pahayag ng mga kaibigan ng mag-asawang nakita na si Maria Letizia, mapapansin ngang mas malaki ang hawig nito kay Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN