Christian Bautista admits having a love life: "Hindi ko naman siya itinatago, pero hindi ko na lang siya ie-expound."

Christian Bautista was hesitant to talk about the current status of his love life, but the singer confirms that there is a special someone in his life now. (Inset) Christian recently attended a book launch and was spotted with a date. Is she the apple of Christian’s eye?


“Huwag na, private na nga ako dun.”

Ito ang nangingiting pag-iwas ni Christian Bautista nang tanungin tungkol sa balitang nakita siya kamakailan na may kasamang isang babaeng mestiza.

Sa isang book launch nitong November, mismong isang staff writer ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakakita sa Kapuso singer kasama ang tinutukoy na babaeng kasama nito.

Napansin ng aming staff na naghiwalay si Christian at ang nasabing babae nang mapansin nilang marami nang photographers sa venue.

“Sagot ko talaga, whether ma-spot ako o ano, hindi ko na ipa-further explain pa.

"Kasi parang gusto ko na siyang i-private, whatever it is," paliwanag ni Christian sa PEP at isa pang miyembro ng press sa blog jam na ginanap para ianunsiyo ang pagpasok ng kanyang single na “Who Is She To Me” sa Top 50 UK vocal iTunes Charts.

Ginanap ang nasabing blog jam nitong Huwebes, December 3, sa Universal Tower, sa West Triangle, Quezon City.

Dugtong pa ni Christian, “Hindi ko naman siya itinatago, pero hindi ko na lang siya ie-expound.

"Pag nakita, [e, di] nakita."

Pero ano ang status ng kanyang love life ngayon?

Maingat na sagot ni Christian, “Sabihin na lang natin na meron. Sabihin na lang nating merong akong ‘Who Is She to Me.’”


MORE PRIVATE. Nagpaliwanag din ang singer kung bakit mas pinipili niyang gawing pribado ang kanyang buhay-pag-ibig.

“The past relationships that I’ve had… it’s crazy that I’m in the limelight.

"So, pag the relationship pa is also in the limelight position as well, medyo mahirap din.

“Maraming kumplikasyon.”

Naging girlfriend noon ni Christian ang kapwa singer na si Rachelle Ann Go at sumunod naman ang Romanian/Chinese DJ-actress na si Carla Dunareanu.


PENETRATING UK. Samantala, natutuwa si Christian sa pagpasok ng kanyang single na “Who Is She To Me” sa UK vocal iTunes Charts at umabot sa Top 44.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, hinahangad ngayon ni Christian na tumaas pa ito at makapasok sa Top 10.

“Iba yung [Top] 44, iba yung Top 10.

"So, that’s the goal, Top 10.

“So, hopefully, makapunta tayo dun,” aniya, pagtukoy sa London.

Ani Christian, mahalaga para sa kanya ang magandang simula na ito, lalo pa’t marami ang nag-discourage sa kanyang subukan ang kanyang kapalaran sa UK music scene.

“It’s very hard.

"People have told me, ‘Wag na. Many have tried ta's wala namang nangyayari.’

“Pero ang importante na nangyayari sa ibang tao is they tried, so parang dapat mag-try ka pa rin.

"Hindi lang yung sabihin mo na mahirap.

“Kung walang mangyari e, di, wala.

"Pero at least i-try mo, i-push mo pa rin, and that’s what I’m doing now.

“With everyone’s help, hopefully we get somewhere.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN