Leren Mae Bautista hopes to win third Miss Tourism Queen of the Year International crown for the Philippines

Lere Mae Bautista on the title of her signature walk: “Nape-pressure ako sa walk na ‘yan kasi si Pia [Wurtzbach], parang ‘Tanim Bala Walk’ daw siya. And ako, siguro hindi ko alam. Parang mas okay kung kayo yung mag-name sa walk ko kasi you can see it better rather than I give it myself. Siguro eventually, may lalabas na ‘yan. Alam mo ang social media ngayon lalo.”


Hindi napigilan ng Mutya ng Pilipinas 2015 Asia Pacific na si Leren Mae Bautista na maging emosyunal sa kanyang send-off party kanina, December 3, sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

Si Leren ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism Queen of the Year International pageant, na gaganapin sa December 31 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, sinabi ni Leren na inaalay niya ang pageant sa kanyang supporters at pamilya, lalo na sa kanyang ina.

“Actually very emotional ako lalo na sa family, kasi first time kong… I will not be able to celebrate Christmas [with them].

"Pero iniisip ko nga kung bakit ako nandun, bakit ako nandito, bakit ko ire-represent ang Philippines.

“It’s because of her, it’s because of my family, and of course my supporters that always believe in me.”

Sa December 12 na lilipad si Leren papuntang Malaysia kaya hindi ito makakapag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya.

Susunod ang pamilya ni Leren sa Malaysia pagdating ng coronation night, kaya makakasama pa niya ang mga ito sa pagsalubong sa bagong taon.

Ipinagpapasalamat ni Leren ang buung-buong suporta ng kanyang ina, na inspirasyon niya sa pagsabak sa kumpetisyon.

“Actually nung una, hindi ko gusto talaga mag-join ng beauty pageants.

“Sabi ko, ‘Ay, ang hirap!’ Laging pressure sa Q&A, especially.

“Ang daming kailangang gawin.

"Pero yung mom ko, since from the start, siya talaga, ‘Hindi, okay lang, huwag ka magtrabaho. After graduation, sali ka. I’ll give you the support that I can give.’

“So, sobra akong tuwa kaya kahit nahihirapan ako, kahit parang feeling ko ang layo ko sa family ko sa December.

"Pero si Mommy ko po talaga yung… really pushes me.

“Siya talaga yung nagsu-support sa lahat, kasi kahit magastos... sobrang magastos ang pagsali sa beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siya hindi, ‘Kaya mo ‘yan, pangarap natin ‘yan!’”

Turismo sa iba’t ibang bansa ang adbokasiya ng Miss Tourism Queen of the Year International.

Ngunit para kay Leren, bukod sa mga kaakit-akit na tanawin, ang mga Pilipino ang isa sa mga magagandang dahilan kung bakit dapat bisitahin ang ating bansa.

Sabi pa niya, “Ako, lagi kong sinasabi, ang Filipina ay strong and very independent.

“Siguro yun yung pinaka-best na mapapakita ko sa iba’t ibang candidates from different countries.

“Na tayo, we are really positive, we are really funny, and we are just being ourselves, being a Filipino.”

Anong lugar sa Pilipinas ang kanyang ibibida sa pageant at sa iba pang mga kandidata?

Sagot ni Leren, “I always say Laguna.”

Paliwanag niya, “Laguna kasi doon ako lumaki and dun ko natutunan kung paano maging isang tunay na tao, to be responsible, and how to respect people.

"Gusto ko sila dalhin sa Los Baños, sa hometown ko.

“I will tour them sa Mt. Makiling.

"Gusto ko i-share sa kanila kung gaano ka-majestic ang Mt. Makiling at maraming maibibigay ang Mt. Makiling sa kanila."

PAGEANT TRAINING. Matindi ang ginawang training ni Leren, kaya handang-handa na raw siya sa Miss Tourism Queen of the Year International.

Marami raw ang nag-improve sa kanya simula nang sumali siya sa Mutya ng Pilipinas, kung saan nadeklara siyang top winner noong Agosto.

“Sobrang laki ng improvement kasi before, parang okay lang, laban lang.

"Pero ngayon, meron na talaga akong super kailangan gawin na goal.

“Kailangan kong i-promote ang Philippines, ipakita kung gaano tayo ka-proud sa Philippines.

"And basta, gawin ko lang yung best ko."

Anu-ano ang mga naging pagbabago sa katauhan ni Leren mula nang sumali siya sa Mutya?

Sagot ng beauty queen, “Siguro mas naging confident. Mas palaban na Leren ngayon.

“Mas alam kung ano yung dapat gawin. Mas positive to bring home the crown.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw nahirapan si Leren sa kanyang training dahil nag-enjoy siya rito.

“Masaya siya, hindi ko nakikitang mahirap yung trainings na ginawa kasi I really enjoyed it.

“Especially in proper walking, in proper way of speaking, and of course my body.

“But I don’t deprive myself in eating. It’s just the proper diet, yun lang.”

Sa kanyang send-off party, ipinakita ni Leren ang kanyang pagrampa sa media.

Ngunit wala pa raw itong pangalan gaya ng “Tsunami Walk” ni Shamcey Supsup, “Pilapil Walk” ni Venus Raj, “Tanim Bala Walk” ni Pia Wurtzbach, at ng iba pang beauty queens.

Sabi ni Leren, “Nape-pressure ako sa walk na ‘yan, kasi si Pia [Wurtzbach], parang ‘Tanim Bala Walk’ daw siya.

"And ako, siguro hindi ko alam.

“Parang mas okay kung kayo yung mag-name sa walk ko, kasi you can see it better rather than I give it myself.

"Siguro eventually, may lalabas na ‘yan. Alam mo ang social media ngayon lalo.”

Bago umalis ng bansa, tumungo si Leren sa Regina RICA Pilgrimage Site sa Tanay, Rizal upang magdasal at humingi ng gabay sa kumpetisyon.

Ani Leren, “Actually ako, devotee ako ng Regina Rosarii sa Rizal.

“Every time na magko-compete ako, before ako pumasok sa pageant, lagi akong nasa Kanya [the Blessed Virgin Mary].

“Lagi kong hinihingi yung guidance Niya and gusto ko lang i-enjoy lahat.

“Yung last time na pumunta ako, I told Her na… whatever happens it’s Her and it’s Him [God]…

“Kahit anong mangyari, okay lang, basta ako I want Her to guide me.

“I want Him to guide me all throughout the pageant journey.

“Tsaka nagte-thank you ako kasi every time na pumupunta ako sa Kanya, lagi akong nananalo, laging positive ang results sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN