John Lloyd Cruz "super happy" about relationship with Angelica Panganiban

According to John Lloyd Cruz, his understanding about relationships had gone deeper after doing the movie A Second Chance. However, doing the movie did not scare or excite him about marriage.


Inihayag ni John Lloyd Cruz na nananatiling matatag ang relasyon nila ng nobyang si Angelica Panganiban.

“Yeah, super,” sambit ni John Lloyd nang tanungin siya kung masaya siya sa piling ng 30-year-old actress.

Sa katunayan, nagpadala si John Lloyd ng bulaklak na may kalakip na mensahe para kay Angelica, na kasalukuyang nagbabakasyon sa New York.

Ikinatuwa naman ito ng aktres.

Saad sa mensahe ni John Lloyd: “Come home soon, love. I miss my Sunshine.”

Take 2.... Ÿ˜‚Ÿ˜‚Ÿ˜‚ may mensahe pala.. Ÿ˜‚ si idan pala ang sweet Ÿ˜ÂŸ˜ÂŸ˜Â @jinglebellly

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onDec 2, 2015 at 7:49am PST

Tila ito ang isang halimbawa na ibinahagi ng aktor kahapon, December 2, sa digital media conference para sa tagumpay ng pelikula niya kasama si Bea Alonzo, ang A Second Chance.


Ayon kay John Lloyd, mas naging malalim ang kanyang kaalaman sa mga relasyon matapos gawin ang pelikula.

“I have to say honestly, after this film, mas maganda yung understanding ko about relationships.”

Sa sinabi niyang ito ay napapalakpak si Bea at mga manunulat ng pelikulang sina Carmi Raymundo at Vanessa Valdez.

Tinukso pa nila si John Lloyd at sinabing walong taon daw nilang hinintay na lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ng aktor.

Sa pelikula naman ay ginampanan nina John Lloyd at Bea ang mga ikinasal nang karakter nina Popoy at Basha, na mula sa kanilang 2007 box-office movie na One More Chance.

Ipinakita nila sa pelikula ang mga posibleng kaharaping problema ng mga mag-asawa pagdating sa tiwala at pera.

Nang tanungin si John Lloyd kung sakaling mapunta siya sa parehong sitwasyon ng mga karakter nila ni Bea sa pelikula, mas susundin daw niya ang mga ginawa ni Basha na hindi nawalan ng pag-asa para maayos ang kanilang relasyon.

“I don’t know, e. I don’t know how will I react in the future kapag nangyari sa akin yung nangyari sa kanila.

“Siguro I’ll watch it again and concentrate on Basha’s decisions in the film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas yun ang susundan ko for better guidance.

"Kasi pag kay Popoy, baka kung saan ako mapunta."

Subalit matapos gawin ang pelikula, nakaramdam ba ng excitement o takot ang aktor sa aspeto ng pagpapakasal?

Sagot ni John Lloyd, “Ako, parang wala, parang hindi naman siya ikinatakot ko, or ikina-inspire ko. Parang normal lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN