Jobelle Salvador admits past romance with Tonton Gutierrez

Jobelle Salvador on Tonton Gutierrez: “Magbabalikan kami? Hindi na, No na. Happily married siya [to Glydel Mercado] and I’m happily single. Hahaha! I’ve been single for ten years! Walang nagbalik na alalala, hahaha! We just talk about his children, the wife, di ba? Ano na kami, may mga pinagmamalaki na kami sa isa’t isa, yung mga anak-anakan na namin."


Inamin ni Jobelle Salvador na naging boyfriend niya ang You’re My Home co-star na si Tonton Gutierrez maraming taon na ang nakaraan.

Bakit sila nag-split?

“E, siguro ano na lang, yun ang hiniling ng Panginoon na kami ay magkahiwalay, hahaha!

“E, may mga ganoon siguro. May mga relasyon na nagkakahiwalay na lang kayo na hindi… yung hindi siya closed book. But it doesn’t mean na porke hindi ninyo nasara, wala siyang closure,” sagot ni Jobelle.

Ngayong nagkita sila uli sa set, napag-uusapan ba nila ang nakalipas nilang love life?

“Ay wala, wala,” tugon ng aktres

Nagkasama sa mga pelikulang Buy One Take One at Alikabok sa Ulap sina Jobelle at Tonton.

Kuwento ni Jobelle, “Kasama namin doon sina Dina Bonnevie, Edu [Manzano], Tonton and me. Si Papa [Leroy Salvador] ang director.

“Siyempre na-miss ko si Ton, kasi nga nakasama ko rin siya nang matagal. Wala lang, parang, ‘Hi, long time no see. Good to see you,’ ganoon.”

Hindi ba nanumbalik ang nakaraan sa set ng You’re My Home?

Natatawang sabi ni Jobelle, “Wala naman!

“Magbabalikan kami? Hindi na, No na. Happily married siya [to Glydel Mercado] and I’m happily single. Hahaha! I’ve been single for ten years!”

“Walang nagbalik na alalala, hahaha! We just talk about his children, the wife, di ba? Ano na kami, may mga pinagmamalaki na kami sa isa’t isa, yung mga anak-anakan na namin."

Paano natiis ni Jobelle na walang love life for ten years?

Saad niya, “Focus lang ako sa anak ko, and work. Pa-date-date minsan kaya lang parang… hindi ako ano, e.

“Parang hindi ganoon kadaling patibukin ang puso ko. Kaya ako nasasaktan noong kabataan ko na sinasabing playgirl daw ako.

“Kasi, kasalanan ko [ba] kung sila yung lumalapit, pumupunta sa bahay ko? Kasalanan ko ba yun? But it doesn’t mean ako ang naglalandi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have six brothers. Ano ako, e, boyish. Tomboyin ako. Pero gusto ko lalaki, huh.

“Mahirap maghanap ng tunay na mamahalin kasi nga, ah, I’m the only girl in the family, alam mo yun? Tapos breadwinner, single parent.

“Pangalawa sa bunso pero kasi lahat ng kapatid ko nasa Amerika.

“Si Mama nasa US at ang bunso kong kapatid.

“Saka kahit nandito ako kapag may problema sa Amerika, ako pa rin yung nagpapadala. Imagine, peso to dollars? Ay, yen to dollars?

“‘Yun yung hirap na parang kapag naghanap ako ng mapapangasawa ko, baka hindi kayanin yung ganoon, di ba? So ako na lang. Sinolo ko na lang.

“But I’m just lucky na ito namang father ng daughter ko is very generous. Very thoughful kahit hiwalay na kami.

“May family na siya sa Japan.”

EX-HUSBAND. Ipapakilala ba niya sa media ang ex-hubby niya?

Saad ng aktres, “Pag ano na lang, pagbukas ng restaurant ni Tito Vic [del Rosario]. Darating siya rito. Sigurado naman na may presscon ‘yan.”

Kilala ba sa business circles ng Japan ang kanyang former husband?

“Yeah,” mabilis na sagot ni Jobelle.

“In Japan he has about 120 restaurants. Tapos meron siya sa Taiwan, Singapore, Vietnam, Thailand, Korea, tapos dito,” dagdag niya.

Jullyna ang pangalan ng anak ni Jobelle sa ex-husband.

Bukod kay Jullyna, may isa pang anak si Jobelle.

"Yes, dalawa ang anak ko. Yung panganay nasa Amerika ngayon, si Mico. Nagtatrabaho na siya sa Las Vegas. Pero hindi ko alam kung ilang taon na siya.

“Actually, he left Manila in 1997. Bumalik siya rito after 19 years. He was here last year lang. For the first time after 19 years umuwi siya rito last year.”

FALLING IN LOVE AGAIN. Ready na ba si Jobelle na ma-in love muli?

"Sinusubukan ko,” pag-amin niya.

Paliwanag ni Jobelle, “I mean, ano, sinusubukan kong tumanggap ng manliligaw pero I guess siguro kapag tumatanda tayo, kumokonti na lang yung options or choices mo, yung ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi yung pagpipilian, yung standards.

“Kasi noon nu’ng bata ako, parang okey lang. Happy go-lucky, yung ganyan, so, parang ang hirap. I mean, my daughter is not getting any younger also.

“So, kailangan talaga, kung mai-in love ako yung talagang re-respetuhin din niya [ng lalaki]. Hindi yung porke basta nanligaw, kaya mo kaming buhayin, yun ka na, di ba?

“It’s not all about that. Kailangan din naman, ipakita mo na karespe-respeto ka. Na you know, you also have values.

“Alam mo kasi sa totoo lang, I’ve seen young men na meron naman ah, disposisyon. Meron silang values also. Meron naman older men na puro yabang lang. Walang direksyon din ang buhay. Kaya nga ako nahihirapan din.

“Kumbaga, who shall I choose? Should I choose old men, an older guy? So, doon lang ako nahihirapan.

“And since hindi rin naman kami pinapabayaan ng father ng anak ko, so, parang okey na rin naman.

“We’re really good friends. Parang mas okey yung relationshp namin ngayon kasi we talk about everything. Although we don’t talk about relationships. Puro business kami.

“Personal na lang ‘yung kaming mag-ina. Pero sabihin mo yung ‘May boyfrend ka ba? Nakikipag-date ka ba?’ We don’t talk about that.

“In fact, until now magkasama pa rin kami sa business ng ex-husband ko.

“Oo, yung restaurant. Bale I'm the consultant and business liaison. Kaya sumu-sweldo ako sa kanya bilang empleyado.”

SUITORS. May umakyat na ba ng ligaw sa bahay ni Jobelle?

Sagot niya, “Hindi ko pinapa-akyat sa bahay ko. Dinner-dinner lang.

“Hindi naman sila marami. Ayoko pa, e. Kasi kung hindi ka rin lang naman, ano ’to?

“Kung hindi ka pa worthy enough para makilala ng anak ko, hindi na muna kita dadalhin sa bahay.

“I mean, I have suitors that I bring to the house but it doesn’t mean na tanggap kita bilang manliligaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YOUNGER BOYFRIEND. Nagka-boyfriend na ba siya na mas bata sa kanya?

Natawa si Jobelle at sinabing, “Tapos na ako d’yan!”

Na-in love siya nang todo sa guy?

Tugon ng aktres, “Ay, hndi ako na-in love.

“Oo, siya ang na-in love [sa akin] siguro.Parang ganoon, hahaha!”

Taga-showbz ba siya?

Saad ni Jobelle, “Yes, hahaha! Sino?

“Huwag na. Hahaha!”

Inamin ni Jobelle na sikat na aktor ang naging younger boyfriend.

Bakit sila naghiwalay?

Paliwanag ni Jobelle, "Nawala na lang. Saka kasi kung anu-ano na ang hinihinigi sa akin. Hindi naman kotse or what gaya noong sikat na celebrity na nagbigay sa kanya ng truck na kotse. Hahaha!

"Hindi ko kaya yun! Usually, gadgets lang naman. But every time na nasa Japan ako, laging humihingi ng pasalubong pag uwi ko.

"Tsaka hindi, hanggang doon lang talaga yun. Expected na yun.

"Para sa akin naman kasi ano, e, trophy ko siya, hahaha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN