Alex Gonzaga admits exclusively dating non-showbiz Chinese guy

Puro biro at paiwas ang sagot ni Alex Gonzaga kung sino at ano ang katauhan ng sinasabi nitong non-showbiz guy na kasalukuyan niyang dini-date. Pero may impormasyong nakalap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na diumano ay isang car reviewer ang naturang Chinese guy—si Carlo Chungunco.


Apat na buwan na ngayong nakikipag-date si Alex Gonzaga sa isang non-showbiz Chinese guy na ayaw niyang pangalanan.

Birong sabi ni Alex tungkol sa kanyang lovelife: “Mabulaklak siya.”

Paglalarawan pa ng Kapamilya TV host-actress tungkol sa lalaking idini-date niya ngayon, “Non-showbiz siya. Ayoko munang sabihin kasi private silang tao, e.

“Ang estado ng relasyon namin, namumulaklak siya.”

Patuloy pa niyang pagbibiro, “Sabi ko sa kanya muna, 'Kiss now, tayo na lang later.'

“Hindi... ano kami ngayon, kasi lahat ‘to, ilalabas sa libro ko.

"So, ayoko munang i-reveal kasi lahat ‘to nasa libro."

Ano ang sabi ng mga magulang niya tungkol sa kanyang manliligaw?

Saad ni Alex, “Ano, sa mommy at daddy ko kasi, kapag meron akong ipapakilala sa kanila or merong nanliligaw sa akin, sila na kaagad yung mag-a-approve, wala silang sasabihin sa ‘yo kung approve.

"Ang dami na nilang nasabi, nakagawa na sila ng librong sarili nila, siyempre… wala naman silang sinabi [na ayaw nila].

“Pero sabi ng mommy ko, mawawalan daw sila ng gana [dun sa manliligaw] kapag hindi kami sumusunod sa curfew.”

Nahirapan naman si Alex ipaliwanag kung paano sila nagkakilala nung lalaki.

Natatawa niyang sabi, “Hindi ko nga alam!

"Alam mo, may nagpakilala sa amin na hindi ko kilala.

"Hindi ko talaga siya personally na kilala."

Mayroon daw siyang kaibigan na may kaibigang baka may maipakilala sa kanya.

Tapos, bigla raw nag-text ang kaibigan ng kaibigan niya ngayong taon na mayroon na itong maipapakilala kay Alex.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Alex sa grand presscon ng Buy Now, Die Later ngayong Huwebes, December 3.

Ang Buy Now, Die Later ay ang enrty ng Quantum Films sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasama ni Alex sa pelikula sina Vhong Navarro, Rayver Cruz, John 'Sweet' Lapus, Lotlot de leon, TJ Trinidad, at introducing si Janine Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCLUSIVELY DATING. Ang estado pa lang daw ng relasyon nila ng Chinese guy ngayon ay "exclusively dating."

Pero ayaw pa talagang pangalanan ni Alex kung sino ang naturang lalaki.

Ngunit isang PEPster ang nagbigay ng tip sa amin tungkol sa katauhan ng dini-date ngayon ng Dance Kids host.

Ilang minuto pagkatapos naming nag-post sa Instagram account ng PEP (@pepalerts), may isang fan si Alex na nagsasabing kilala niya ang nasabing guy.

Nang bisitahin namin ang account ng naturang fan, naka-post dun ang mga larawang ito:

Burado na pangalawang larawan sa Instagram ni @aalyssacupcupin___.

Ang pangalan ng lalaki ay si Carlo Chungunco, isang car reviewer ng Top Gear Philippines.

Naka-private ang Instagram account ni Carlo ngunit nakalagay roon ang link ng kanyang bio.

Ito naman ang nakasaad sa profile ni Carlo sa Top Gear website:

“A four-wheel, two-wheel and no-wheel enthusiast, Carlo joined a Japanese luxury brand in 2008 and spent five and a half years learning the ins-and-outs of an industry he grew to love.

“He believes RWD stands for 'Right Wheel Drive' and that a petition should be started to save the manuals from their impending extinction. A tech geek with high-octane flowing through his veins, he likens a good road to a spiritually enriching experience that he hopes to be able to share with anyone willing to lend an ear (or a pair of eyes).”

Siya na nga kaya ang lalaking idini-date ngayon ng 27-year-old Kapamilya star?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN