Alden Richards causes pandemonium at 29th Star Awards for TV

Lumikha ng kakaibang hysteria ang pagdating ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa 29th Star Awards for TV kagabi, December 3, sa KIA Theater. Pansamantalang naantala ang programa dahil hindi magkamayaw ang mga fans na gustong kunan ng litrato ang Kapuso star.


Personal naming naranasan ang AlDub phenomenon sa 29th Star Awards For TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC). na ginanap sa Kia Theater, Cubao, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi, December 3.

Bilang miyembro ng PMPC, natoka sa amin ang pagbabantay sa reserved seats nina Alden Richards, Maine Mendoza, Enrique Gil, at Liza Soberano na honorees ng German Moreno Power Tandem Awards.

Naunang dumating sina Enrique at Liza.

Sigawan ang LizQuen fans na iwinawagayway pa ang kanilang mga tarpaulin.

Makalipas ang halos kalahating oras, dumating naman si Alden sa kalagitnaan ng programa.

Dito na nagkagulo sa loob ng venue.

VIDEO: Alden Richards, pinagkaguluhan sa Star Awards for TV; programa, pansamantalang natigil. Bagamat hindi nakadalo...

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Thursday, 3 December 2015

Kami mismo ay nawala na ang pokus kung sino ang nasa stage. Napuno na ang venue ng hiyawan at tili ng fans.

Walang tigil iyon hanggang maiupo na si Alden sa kanyang puwesto.

JUST IN: Star Awards for TV, ilang minutong naantala dahil sa pagdating ni Alden Richards; Pambansang Bae,...

Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Thursday, 3 December 2015

Tumigil ang programa. Nakiusap na ang floor director sa mga tao na kung maaari ay “magpakahinahon” muna para maipagpatuloy ang seremonya.

Umalingawngaw rin sa loob ng KIA Theater ang pangalan ng Pambansang Bae na isinisigaw ng mga tao: “Alden! Alden! Alden!”

May isang bakanteng upuan sa pagitan nina Alden at Liza (na katabi naman si Enrique).

Gusto kasi ni Liza na makatabi si Maine Mendoza, pero hindi ito nakarating sa event.

PANDEMONIUM. Matapos ang isang gap, dito na nagkagulo ang mga tao.

Daluhong ang mga fans na gustong makalapit at makapag-picture kay Alden.

Tumawag na ng security dahil talagang maiipit hindi lang si Alden kundi pati ang mga artistang katabi niya.

Kami mismo ay tumulong na rin sa pagharang sa mga fans dahil nagkakatulakan na.

Tumayo na rin ang producer ng show na si Tess Celestino para harangin ang mga fans, pero patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao.

Nag-aalala rin kami para kay Liza na naiipit na rin ng fans.

Pero kitang-kita namin ang reaksiyon nina Liza at Enrique, na tila hindi makapaniwala sa pag-mob kay Alden ng mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Doon na nagdesisyon na dalhin na lang si Alden sa backstage sa isang dressing room, dahil talagang naaantala na ang programa.

Hindi na mapigilan ang mga tao kahit may malalaking katawan na marshalls na pumipigil sa mga ito.

Natuloy lang muli ang programa nang maialis na si Alden sa audience.

Nasundan din namin si Alden sa kanyang dressing room.

Doon, may mga nakapila pa ring fans na talagang nakikiusap na makita man lang kahit saglit ang kanilang idolo.

Pero napakahigpit na ng security.

Pinapasok kami sa dressing room dahil PMPC member kami.

Simple lang ang naitanong namin kay Alden: Paano niyang tinatanggap ang kasikatan niyang ito?

"I am taking all these one day at a time," nakangiting sagot ng Kapuso star.

Lumabas kami dahil kailangan daw munang magpahinga ni Alden.

Bago kasi magpunta ang Kapuso actor-TV host sa Star Awards for TV ay galing siya sa live airing ng noontime show na Eat Bulaga! at sa isang event ng iniendorso niyang produkto.

Lumabas si Alden sa dressing room upang tanggapin ang tropeyo nila ni Maine sa German Moreno Power Tandem Award.

Makalipas ang halos kalahating oras, sinubukan muli naming makapasok sa dressing room ng aktor.

Nakita naming nakayuko si Alden. Yung hawak niyang trophy ang tila ginawa niyang suporta sa kanyang ulo, nakapikit na tila natutulog. Hindi na namin siya nilapitan.

Nung muli kaming sumilip, nakasandal na si Alden sa sofa at natutulog. Hindi na namin siya inistorbo.

ENCOUNTER WITH MAJA. Lumabas lang muli si Alden ng dressing room nang iaanunsiyo na ang major awards.

Pansamantala na namang naantala ang programa dahil nagkagulo muli ang fans. Pero nakontrol naman agad ito.

Itinabi si Alden sa Kapamilya actress na si Maja Salvador sa may unang row ng KIA Theater.

Isang photographer naman ang nagkuwento sa PEP ng naging pag-uusap nina Alden at Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbiro raw si Maja na ayaw niyang tumabi kay Alden dahil sa takot na ma-bash ng AlDub Nation.

Nabalitaan siguro ni Maja ang mga nangyari sa ibang female stars na nag-post ng picture nila kasama si Alden.

Para maiwasang magawan ng isyu ang pagtatabi nila ni Alden, sinabihan daw ni Maja ang Kapuso star ng: "Usap tayo, Alden, pero diretso lang ulo natin at huwag tayo magtinginan."

Humingi naman daw ng dispensa si Alden kay Maja dahil sa inconvenience na hindi naman niya sinasadyang mangyari.

Pero nagbiro pa raw si Maja na baka magka-stiff neck siya dahil sa ginagawa nila.

Sabi pa raw ni Maja kay Alden: "Lilingon ako sa kabila. Ayoko humarap sa iyo.”

Sina Alden at Maja ang nanalong Best Drama Actor and Actress para sa pagganap nila sa mga teleseryeng Ilustrado at Bridges of Love, respectively.

Read: What did Maja Salvador do in order to talk to fellow Star Awards for TV winner Alden Richards?

Tinalo ni Alden sa kanyang kategorya ang Kapamilya actors na sina Daniel Padilla (Pangako Sa 'Yo), Jericho Rosales (Bridges of Love), Gerald Anderson (Nathaniel), Paulo Avelino (Bridges of Love), at Piolo Pascual (Hawak Kamay); at ang veteran actor na si Eddie Garcia (Give Love On Christmas Presents The Gift Giver).

Matagal na rin naman kami sa showbiz, at ilang awards night na rin naman ang nairaos ng PMPC, pero kagabi ang kauna-unahang pagkakataong nasaksihan namin ang kakaibang klase ng “hysteria” para sa isang artista.

Ito ay sa kabila ng masasabing dinomina ng Kapamilya stars ang nasabing awards night—mula sa hosts hanggang sa awardees. Maliban pa sa ipalalabas ng Star Awards for TV sa ABS-CBN.

Isa lamang si Alden sa iilang Kapuso stars na dumalo sa awards night, ngunit walang duda na siya ang naging “star of the night” dahil sa nilikhang ingay ng kanyang presensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN