Manny Pacquiao set for last fight; will it be versus Terence Crawford or Amir Khan?

Manny Pacquiao will soon announce whom he's going to pick for his last fight in April next year.


Wala nang makakapigil pa kay Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang magiging huling laban sa boxing ring.

Magaganap ito sa April 9 sa Las Vegas, Nevada.

Kung sino ang magiging huling kalaban ni Pacman ang siyang hinihintay na i-announce ng eight-division world champion.

Sa naging interview sa promoter ni Pacman na si Bob Arum sa SB Nation, sinabi nitong malapit nang ipaalam ni Manny kung sino ang kanyang huling makakalaban.

“He's absolutely positive we'll have an answer by Friday [U.S. time],” sabi ni Arum.

Ang leading contenders na makakalaban ng Pambansang Kamao ay sina Terence Crawford, Timothy Bradley, at Amir Khan.

Hindi raw makikialam si Arum kung sino ang pipiliin ni Pacman na makalaban.

“I purposely kept myself out of it because at this point, it doesn't matter who Manny picks.

“Would I prefer it not to be Khan? Yes, but this is Manny's last fight.

“I have a duty to him to present him all of the options, ‘Do I hope he doesn't pick Khan, though?’

“Of course, because I don't promote him, but I don't think he will pick Khan.

“Khan was an option when we considered having this fight in April in the Middle East, so he was a guy on the table.

“Now the Middle East is not on the table, but he's still one of the guys on the table.”

Sinasabi man ni Arum na ayaw niyang impluwensiyahan si Manny sa magiging desisyon nito, halata sa interview nitong gusto niyang huwag sanang piliin ni Manny si Khan.

Mas pabor daw si Arum kay Terence Crawford.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN