Angel Locsin undergoes surgery in Singapore for her disc bulge

by Bernie V. Franco
Dec 4, 2015
Angel Locsin posts photos on Instagram about the procedure she has gone through to cure the injury in her spine.

Nag-post si Angel Locsin ngayong Biyernes, December 4, ng mga larawan niya habang nasa hospital bed bago isagawa ang operasyon sa kanya upang malunasan ang kanyang natamong disc bulge sa spine.

Noong Sabado, November 29, kinumpirma ng boyfriend ni Angel na si Luis Manzano ang pagkukunsidera ng aktres na sumailim sa operasyon “anytime soon.”

Read: Luis Manzano on Angel Locsin playing Darna again: “Maybe there’s a good chance if...”

Samantala, sa IG post ni Angel nitong Biyernes, sinabi ng Kapamilya actress na nagpapasalamat siya sa tagumpay ng first stage ng procedure.

Caption ng aktres sa ipinost na larawan: “Photo taken earlier before the procedure :) I'm still a little bit groggy and sore but happy & thankful tapos na ang first stage of the procedure :) thank you all for the prayers! Hoping this is it na.”

Sa pangalawang post, kasama ni Angel sa larawan ang mga Pilipinong nurse na nag-alaga sa kanya.

Continue reading below ↓

Caption ni Angel: “Another photo before heading to lab with the Filipino nurses who took really good care of me :) thank you so much! Mabuhay kayo!”

Hindi nagbigay ng detalye si Angel kung saang ospital siya dinala, pero base sa comments ng Pinoy nurses na nag-alaga sa kanya, sa isang ospital sa Singapore nagtungo ang Kapamilya actress.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa post ng isang Pinay nurse, kung saan kasama si Angel at iba pang nurses, inilarawan nito kung gaano kabait ang aktres sa kanila kaya naman nagpapasalamat sila sa pagkakataong makilala ito.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin posts photos on Instagram about the procedure she has gone through to cure the injury in her spine.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results