Angelica Panganiban flies to New York City alone: "I think I’m at my happiest stage in life."

Hindi raw nahiyang mag-selfie galore si Angelica Panganiban sa New York City dahil hindi naman daw siya kilala ng mga tao rito. Sa kanyang Instagram, sinabi niyang ang larawang ito ang kanyang "huling selfie" sa taong 2015.


Nagbakasyon mag-isa ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban sa New York City.

Ito ang naging pagkakataon niya para makapagpahinga sa kanyang busy schedule bilang artista, at mabisita ang kanyang favorite pamangkin.

Base sa kanyang mga Instagram posts, dalawang linggo na ang nakalipas mula nung lumipad siya patungong New York City.

Tinawag ni Angelica ang kanyang solo trip na #AnggetAway.



THE EXPERIENCE. Ngayong araw, December 5, nag-post si Angelica sa Instagram ng isa sa kanyang mga selfie.

Ang caption ng aktres sa ipinost na larawan: “At ang huling selfie ko sa taong 2015 ay nakikita niyo na ngayon.

“Buhay solo-ista sa ibang bansa. Di na ko nahiyang mag-selfie nang mag-selfie.

“Di naman nila ko kilala dito. Iba-iba naramdaman ko mag-isa sa New York.

“Natatakot ako nung una, kabado. Pero excited. I think I’m at my happiest stage in life kaya binalak ko na din bumiyahe. Bilang hindi ko to magagawa pag may pinagdadaanan ako.

“At pangarap ko talaga 'to, tumira abroad. Kahit sandali lang.

“At gusto ko siyang gawin sa last year ko bago ako mag-30.

“Walang sense yung selfie ko sa pinagsasabi ko. Nagandahan lang din talaga ko sa sarili ko diyan kaya binahagi ko na. Nang gumanda araw ng mga makakakita nito. Peace out yow!!!

“See you soon Manila...and see you my alien.”

Nag-celebrate ng 29th birthday si Angelica noong November 4.

At ang huling selfie ko sa taong 2015 ay nakikita niyo na ngayon. Ÿ˜‚ buhay solo-ista sa ibang bansa. D na ko nahiyang mag selfie ng mag selfie. D naman nila ko kilala dito. Iba iba naramdaman ko mag isa sa NewYork. Natatakot ako nung una, kabado. Pero excited. Ÿ˜Â i think im at my happiest stage in life kaya binalak ko na din bumyahe. Bilang hindi ko to magagawa pag may pinag dadaanan ako. Ÿ˜† at pangarap ko talaga to. Tumira abroad. Kahit sandali lang. At gusto ko siyang gawin sa last year ko bago ako mag 30. Ÿ˜Â walang sense yung selfie ko sa pinagsasabi ko. Nagandahan lang din talaga ko sa sarili ko dyan kaya binahagi ko na. Nang gumanda araw ng mga makakakita nito. Ÿ˜‚ peace out yow!!! See you soon Manila.. Ÿ˜Å½ and see you my alien Ÿ‘Ÿ‘Ÿ‘ #AnggetAway

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onDec 4, 2015 at 10:12am PST

Makikita rin sa kanyang mga posts na mag-isa siyang sumasakay ng bus at subway para makapamasyal.

Aniya, "Nag-bus nang di nakapagbayad, nag-subway na mali ang sinakyan. #AnggetAway"

Nag Bus ng d nakapag bayad Ÿ˜ nag subway na mali ang sinakyan Ÿ˜ #AnggetAway �"�"�"

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onNov 26, 2015 at 2:51am PST

Nagpunta rin siya sa Madison Square Garden upang manood ng NBA game sa pagitan ng New York Kicks at Miami Heat.

Caption ni Angelica: "When you go fangirling but you don't know them. But really worth ang experience tho. #AnggetAway"

Samantala, nanirahan si Angelica sa isang apartment na two blocks away mula sa Iconic Kat'z Delicatessen, na kilala sa mga masasarap na pastrami sandwiches at hotdogs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mami-miss daw niya ito at nagpapasalamat siya sa Naombimi Shop na nagpatuloy sa kanya roon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN