Sheryl Cruz reveals why she won't be spending Christmas with cousin Senator Grace Poe for the first time

Sheryl Cruz feels sad that she won't be seeing her cousin Senator Grace Poe and her family this Christmas: “It’s the people around na mayroong mga pansariling interes at nilalagay ang aking pinsan sa pahamak. I would not like to expound on this, but just the same, nandito na tayo.”


Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl Cruz ng kanyang saloobin tungkol sa pagkaka-disqualify ng pinsan niyang si Senator Grace Poe.

Nitong nakaraang linggo ay naging major news headline ang desisyon ng COMELEC (Commission on Elections) dahil sa citizenship ng senadora, na hindi pa raw nito nami-meet ang 10-year residency requirement na kailangang tuparin ng sinumang presidential candidate.

Nakapanayam ng PEP si Sheryl sa nakaraang 29th Star Awards for TV kunsaan itinanghal siya bilang Best Supporting Actress. Naganap ang awards night noong nakaraang Huwebes, December 3, sa Kia Theater.

Matatandaang noon pa man ay nagpahayag na si Sheryl ng kanyang pagtutol sa pagtakbo ng kanyang pinsan dahil kulang pa raw ito sa karanasan para maging presidente. Marami ang pumuna sa kanyang opinyon, lalo na sa social media.

Kaya, sa panayam na ito, dinaan ni Sheryl ang kanyang saloobin at mensahe para kay Senator Grace sa pamamagitan ng isang awitin.

Sabi niya, “I was preparing myself for this.

“Ito lang ang masasabi ko. Gagawin ko na lang sa kanta, sa awitin."

Saka niya kinanta ang mga linyang, ''Mananatili kang mahal sa akin, tulad ng isang kay gandang awitin.''

Dugtong ng aktres, “That’s the best way for me to express what I want to say to her.

“I just want to enjoy the festivity tonight, I’m very grateful that my daughter is here with my nieces, pati yaya ko, si Nanay Doray nandito rin.”

SADDENED BY DISQUALIFICATION. Ayon kay Sheryl, ikinalungkot din niya ang mga nangyayari at pinagdadadaanan ngayon ng pinsan dahil sa pagtakbo nito.

“Siyempre, as a family member, I am saddened by what is happening.

“But we chose our paths and ako, kung anuman ang sinabi ko before, it’s just because I cared.

“Until now I still care for the well-being of the entire family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes, there are some decisions or some things that we don’t agree on, but it doesn't mean that we don’t care for each other.

“We may have different things, different opinions, but at the end of the day, family will always be family,” diin niya.

FIRST CHRISTMAS APART FROM COUSIN. Sinabi rin ni Sheryl na hindi pa niya nakakausap ang kanyang Tita Susan Roces at pinsan, at ito ang kauna-unahang Pasko na hindi sila magseselebra na magkakasama.

“No, we haven’t spoken.

“Actually, I’m very saddened because this is the first Christmas kung saan di kami magkakasama-sama dahil napapaligiran ang aking pinsan ng mga taong di dapat pinakikinggan.

“So yung sa akin, I was not the one who caused any kind of destruction. Hindi ako ang lumayo sa family ko.

“It’s the people around na mayroong mga pansariling interes at nilalagay ang aking pinsan sa pahamak.

“I would not like to expound on this, but just the same, nandito na tayo. I was preparing myself for this.

“Yan ang masasabi ko, but right now ang ating focus is for the 29th celebration of Star Awards for TV.”



CONGRATULATIONS FROM MOM. Klinaro din ni Sheryl na wala silang tampuhan o away ng inang si Rosemarie Sonora gaya ng naglabasang balita.

“Basta nagpapasalamat ako dahil as early as this morning, yung mom ko na nasa America greeted me in advance and congratulated me for being one of the nominees.

“Di tulad ng sinasabi ng ibang tao na di kami nag-uusap, di totoo yun.”

Dinepensahan rin ni Sheryl ang sarili sa mga paratang ng iba na ginagamit niya ang issue sa kanilang magpinsan para magpa-interview at mapag-usapan.

Aniya, “Di naman ako mahilig magpa-interview.

“Di rin ako mahilig na umagaw ng pansin.

“Ngayon na ako ang tinatanong ninyo, this is the only time, that’s why actually I’m giving my answer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But other than that, di kasi ako yung tao na papansin.

“If there’s something to say, yes I’ll say it, but not because gusto kong mapansin.

“Di naman ako ganung tao.

“Kung maaari lang magtago ako, magtatago ako, but this is an event to celebrate and this is an event to be proud of dahil there’s no business like show business, and I wouldn’t change my profession.

“I love it and I always thank the Lord for giving me this kind of profession that I can be proud of.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN