Edu Manzano leads "graduation rites" of cancer-free kids

Edu Manzano is proud of his ongoing advocacy for cancer-stricken kids: “Today, we are also celebrating graduating cancer victims na naka-survive ng ilang panahon na cancer free. Ito ang aming small opportunity to tell people that there is hope for your children.”


Ngayong Sabado, December 5, pinangunahan ni Edu Manzano ang “graduation” ng 26 na batang pasyente ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na idineklarang “cancer-free.”

Malapit sa puso ni Edu ang mga batang may sakit na kanser kaya ipinatayo niya sa PCMC ang Adrian Manzano Cancer Wing na tumutulong sa pagpapagamot ng mga pasyente na kapus-palad.

Pumatak ang luha ng mga bisita nang isa-isang ipagkaloob ni Edu at ng pamunuan ng PCMC ang certificate na nagdedeklarang magaling na ang young cancer survivors.

VOLUNTARISM. Balik-tanaw ni Edu, “Napakabilis ng panahon, dahil ika-apat anibersaryo na pala ng cancer wing na aming itinayo noong 2011 sa ngalan ng aming ama na si Adrian Manzano.

“Actually, ang anibersaryo sa Pebrero, pero may isang grupo, ang BRAVE Kids, isang NGO na talagang tuwing December ay nagbubuo ng iba’t ibang games, food, prizes para sa cancer victims.

“Naisip namin na bakit hindi natin palakihin talaga at gawin na one big bang dahil nalalapit na ang Christmas.

“Yung konspeto ng Adrian Manzano Cancer Wing is voluntarism.

“Wala kaming kinikita diyan. Kung merong pera na pumapasok, ibinabalik namin sa mga batang kapus-palad na hindi kayang bumili ng gamot.

PAYING IT FORWARD. Ipinaliwanag ni Edu ang kanyang motibo para sa kanyang medical advocacy.

Sabi niya, “Ito po ay 'pay it forward.'

“Lahat kami, tinatawagan namin ang mga kakilala para kung sakali na meron silang excess o sobra, baka gusto nila na ambunan yung mga bata.

“Sa ngalan ng Puregold na binigyan kami ng ilang daan na basket at food packs para sa mga bata and their parents.

“We have spent time with the children. Alam namin ang kanilang mga pinagdaraanan.

“Napakatindi ng sakripisyo para sa mga bata, but, at the same time, isipin natin ang sakripisyo ng mga magulang at ng pamilya.

“Aside from the child who’s afflicted with the ailment, isipin mo rin kung gaano kahirap mag-alaga ng isang pasyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkakaroon din ng toll sa kanila."

Kaya kailangan talagang magselebra dahil sa wakas ay natapos ang hirap ng pasyente at nag-aalaga sa pasyente.

"Sa mga panahon na ito, itong munting selebrasyon na ’to, makikita mo na talagang naghahatid ng hindi mo mabibilang o masusukat na galak at kaligayahan sa mga kabataan.

“Many have lost hope. Hindi naman lahat ay nagtatagumpay in their fight against cancer, but habang sila ay ginagamot, meron din mga nag-survive.

“Today, we are also celebrating graduating cancer victims na naka-survive ng ilang panahon na cancer free.

"Ito ang aming small opportunity to tell people that there is hope for your children.”

NO TO PCMC PRIVATIZATION. Samantala, idiniin ni Edu ang kanyang pagtutol sa balitang pagpa-privatize ng PCMC.

Saad niya, “Ako ang unang-unang magpoprotesta. Ako ang unang-unang maghahakot ng mga tao kung sakaling mangyari ‘yan.

“It’s bad enough na yung mga medical institution natin ay kulang sa pondo and, at the same time, ibebenta nila para ma-privatize and gawin na mall o ibang projects. Hindi naman pupuwede ‘yan.

“I mean they should also have a heart not just for shopping, but also for caregiving. Sana maintindihan nila ang sitwasyon ng children who have been stricken with cancer.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN