Pastillas Girl gives tearful eulogy for slain mom Teresita Yap

“Hindi ko man maintindihan kung bakit nangyayari ito sa ating lahat, siguro nga may magandang plano ang Diyos," says Angelica Yap a.k.a. Pastillas Girl in her eulogy for slain mom Teresita.


Bumuhos ang luha ni Angelica Yap (a.k.a. Pastillas Girl) sa kanyang eulogy para sa namayapang ina na si Teresita Yap.

Sa Necrological Mass na ginanap kahapon, December 6, ibinahagi ni Angelica ang labis na pangungulila sa ina.

Naiiyak na pahayag ni Angelica, base sa ulat ng ABS-CBN News Online, “Naalala ko noon lagi kaming nag-aaway kahit maliit na bagay.

“Alam naman ng lahat kung gaano kadaldal at kaingay si Mommy. Sobrang tahimik na ng bahay namin.

“Siguro nga totoo yung sinasabi nila na sa huli ang pagsisisi.

“Tsaka mo na lang mari-realize ang kahalagahan ng isang tao kapag wala na siya sa 'yo.”

Lalo pang napaluha si Angelica nang sambitin kung gaano niya kamahal ang ina.

“Ngayon naiisip ko, paano kung nasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal?

“Paano kung mas binigyan ko siya ng atensiyon?

“Paano kung naging mas mabuting anak ako sa kanya?”

Sa huling bahagi ng eulogy ni Angelica, hiniling niya na sana ay makamit ng ina ang katahimikan sa kabila ng pagpaslang dito.

“Napakabuti mong tao, Mommy.

“Hindi ko man maintindihan kung bakit nangyayari ito sa ating lahat, siguro nga may magandang plano ang Diyos.”

Ayon sa mga naunang ulat, naghihintay ng order si Teresita sa isang “ihaw-ihaw stall” sa Caloocan nang bigla itong barilin nang malapitan ng hindi pa natutukoy na salarin.

Read: Pastillas Girl's mother shot dead

Bagamat nasugod sa ospital si Teresita, pumanaw siya bandang 12:45 A.M. ng November 30 dahil sa tama ng baril sa likod ng kanyang ulo.


POSSIBLE SUSPECTS. Base sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong December 2, ibinigay na ni Angelica sa National Bureau of Investigation (NBI) ang cell phone ni Teresita na naglalaman ng mga natanggap na “death threats” ng huli.

Pinaniwalaan ng mga kaanak ni Teresita na posibleng suspek ang dalawa nitong ex-boyfriends na kinilala bilang sina “Polo” at Alfamil Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa umano sa dalawang ex-boyfriend ni Teresita ang nagpadala ng text message na nagsasabing kung hindi rin lang magiging sila ay hindi rin pakikinabangan ng iba ang namayapang biktima.

Mayroon din umanong natanggap na “death threat” si Teresita na nagsasabing mamamatay ito bago mag-Pasko.

Sa ngayon, wala pang nilalabas ang NBI na opisyal na suspek sa pagpaslang kay Teresita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN