Jenine Desiderio criticizes host for not knowing daughter Janella Salvador’s name

Singer-actress Jenine Desiderio complains about a certain host for not knowing the name of her daughter Janella Salvador in a recent event.


Naglabas ng kanyang hinaing ang singer-actress na si Jenine Desiderio hinggil sa isang host na hindi alam ang pangalan ng anak na si Janella Salvador sa isang event kamakailan.

Ipinost ni Jenine ang status sa kanyang Facebook account.

We do not expect to be recognized by all of mankind. But when you're a host it's your job to at least know the name of...

Posted by Jenine Desiderio on Friday, 4 December 2015

Nitong Sabado, December 5, nag-status si Jenine tungkol sa isang event na naganap kung saan kasama ang anak niya, ang ABS-CBN young star na si Janella.

Inilahad ni Jenine na hindi raw alam ng event host ang pangalan ng kanyang anak at hindi naipakilala nang maayos.

Paliwanag ni Jenine, “We do not expect to be recognized by all of mankind.

“But when you're a host, it's your job to at least know the name of the artist you will be introducing...even just the first name…especially if she currently appears in your brand's TVCs & has done so for almost 3 years.... Just sayin'.”

Hindi naman pinangalanan ni Jenine kung sino ang nasabing event host.

Sa comment section, nilinaw ni Jenine na hindi ang kanyang sarili ang tinutukoy niya kundi ang anak na dalaga.

Sabi pa ni Jenine, “I would’ve understood if it were me.”

Tinukoy ng ilan sa mga nag-comment ang nangyaring insidente sa event ng brand ng shampoo commercial na iniendorso ni Janella.

Dugtong pa ni Jenine, “Ok lang naman kung di niya kilala si Jea [palayaw ni Janella] pero since may portion si Jea na siya mag-iintroduce, di ba, dapat inalam muna niya name bago siya sumampa ng stage...? Hindi yung kaharap na niya tapos hindi niya alam ano’ng itatawag.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN