Alex Gonzaga says all is well between her parents and her special guy

At 27, Alex Gonzaga remains the baby of the family, tagging along her sister Toni and her husband Paul Soriano to their trips abroad and keeping the curfew her parents have set when out on a date with her special someone.


Bukas si Alex Gonzaga na pag-usapan ang kanyang love life kahit na idinadaan niya sa biro ang mga sagot kapag nauusisa ang tungkol dito.

“Bago pa lang kaming nagdi-date... mga ten years!” pabirong sabi ni Alex nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kung gaano na sila katagal ng idini-date niyang non-showbiz Chinese guy.

Ayaw muna niyang sabihin kung ano ang identity ng non-showbiz guy na ito dahil pribado raw kasi itong tao, pero aminado si Alex na ito ang kanyang inspirasyon ngayon.

Ano naman ang reaksiyon ng kanyang mga magulang na nag-e-entertain na siya ng isang manliligaw na posible pang makarelasyon na niya?

Ayon kay Alex, “Sa mommy at daddy ko, kapag merong nagpapakilala or may nanliligaw sa akin, sila na agad ang nag-aaprub.

“Wala silang sasabihin kung aprub.

“Ang dami na nilang nasabi, nakagawa na sila ng libro na sarili nila, pero hindi nila muna ie-entertain.”

Pero sa non-showbiz guy nga na idine-date niya, wala naman daw komento o naririnig mula sa kanyang mga magulang.

Sabi lang daw ng kanyang mga magulang, “Mawawalan daw sila ng gana kapag hindi kami sumusunod sa curfew, kaya sumusunod kami sa curfew.”

Ano ang curfew nila?

“Twelve midnight,” saad niya.


FAMILY APPROVAL. Tanggap na ba ng mga magulang niya kung sakaling sumunod na rin siya sa Ate Toni niya na magpakasal?

“Hindi naman, siguro mas tanggap nila kung magka-baby muna, wow! Joke lang!” natatawang bawi ni Alex.

“Gusto ko, di ba, kasa-sign ko lang ng contract [sa ABS-CBN], siguro mga after two years.

“Hindi naman pakasal, pero may two years pa ako; siya na ang bahala kung ano ang gusto niyang gawin.”

Kung exclusively dating na sila, hindi kaya sila na naman talaga?

“Hindi pa nga, ‘wag niyo ‘kong presyurin pero magpapakasal na kami,” birong sagot pa rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May apat hanggang limang buwan pa lang daw silang nagdi-date.

Comment kay Alex, nag-asawa lang ang kapatid niya na si Toni ay tila gusto na rin niyang magka-boyfriend.

Biro naman niya, “E, siyempre, kailangang palitan na natin siya sa buhay ko.

"Tandaan, kapag may umaalis, may pumapalit."

Okey naman daw kay Toni ang non-showbiz guy na nakaka-date niya.

“Gusto niya, minsan ginagawa niyang driver, nagpapasundo siya.

“Service vehicle kasi ang dala-dala niya,” biro pa rin niya.

Tutularan din ba niya ang kapatid na hindi puwedeng umalis o magbakasyon na kasama ang boyfriend, lalo na pag out of the country?

“Hindi naman talaga puwede yun, palagi namang hindi puwede yun.”

Guwapo ba?

“Okey lang, sapat lang, sapat lang sa mata ko.

"Ipapakilala ko siya sa takdang panahon."

Pero ayon kay Alex, nag-aaral pa ang Chinese guy dahil nag-second course ng Law.

ONE AND ONLY KUYA. Hiniritan din si Alex ng ilang entertainment press na parang naiinggit na rin siya sa Ate Toni niya na kasal na, nakakapag-honeymoon at nakakapunta na sila ng asawang si Paul Soriano sa iba’t ibang lugar.

“Hindi ako nainggit kasi may ka-holding hands ako, wow!” natawang hirit naman niya.

“Nabuhay ako ng twenty-seven na walang ganun, nakatagal ako ng ganun, so mamamatay ako nang ganun, charot!

“Eto na nga, ngayong magpa-Pasko, New Year, aalis sila. So, sumama 'ko!

“Kinuha ako ni Direk Paul ng sariling hotel, room, magnu-New York, sa kanila ako sumabay, tapos magsa-San Francisco.

"So, kasama nila ako the whole time, at saka ginusto nila kong makasama, choice nila yun."

Magkahiwalay nga sila ng kuwarto, “Pero sabi ko sa Ate ko, ‘Kapag papuntang eroplano, tayo ang tabi.’

“Oo raw, pumayag daw si Direk Paul; ang bait nga ni Direk, e.”

Ano ang pakiramdam ni Alex na hindi siya isinasantabi ni Direk Paul sa lahat o sa buhay mag-asawa nila ni Toni?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre happy kasi kuya mo, and isang kuya lang din naman ang magkakaroon ako dahil isa lang ang kapatid ko.

“Kaya sobrang happy ko na yung trato niya sa akin, kung paano ang trato niya sa akin, ganun pa rin.”

Si Toni naman, sa mga posting nito minsan sa Instagram, parang hindi pa rin lubusang nakaka-move on na hindi na sila yung magkasama sa bahay o magkatabi sa pagtulog.

“Siyempre, nasasakal!” natawang biro ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN