Mara Lopez confirms Sid Lucero and Annicka Dolonius are dating

Mara Lopez clarifies relationship with Sid Lucero: “Hindi ako yung dine-date ni Timmy. May iba siyang dine-date. Si Annicka Dolonius.”


“I’m seeing someone right now.”

Ito ang naging maiksing sagot ng Kapuso actor na si Sid Lucero nang tanungin tungkol sa kanyang love life.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Sid sa press conference ng pinagbibidahan nitong Metro Manila Film Festival 2015 New Wave Entry na Toto.

Ginanap ang press conference sa Mario’s restaurant, sa Timog Ave., Quezon City, noong December 4.

Hindi na idinetalye ni Sid kung sino ang kanyang idine-date ngayon ngunit nagbigay naman ito ng ilang clue.

Sabi ng aktor, “She’s an actress but she’s not showbiz.”

Noong 2014, dalawang aktres ang na-link kay Sid.

Isa na rito si Alessandra de Rossi, ngunit hindi rin nagtagal ang pagkakamabutihan nilang dalawa.

Read: Sid Lucero silent on Alessandra de Rossi: “I really don’t want to talk about it, honestly.”

Ang isa pang aktres na na-link kay Sid ay ang indie film actress na si Mara Lopez, anak ng aktres at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez.

Nakitang magkasama ang dalawa sa 31st PMPC Star Awards For Movies noong March 8, kaya naman agad umikot ang balitang nagde-date na silang dalawa.

Si Mara rin ang leading leady ni Sid dark-comedy film na Toto.

Sa hiwalay na panayam ng PEP, muli namang nilinaw ni Mara na malapit lang silang magkaibigan ni Sid.

Sabi ng 24-year-old actress, “He was my date kasi in the Star Awards.

"I think because of that kaya natsismis kami.

“But honestly, me and this guy, he’s like the brother I never had."

He’s like my kuya and he’s my teammate also.

"I don’t want to date teammates."

Dagdag pa niya, “We’re always together but me and this guy, we’re family.”

Sa pagpapatuloy ng panayam, kinumpirma naman ni Mara kung sino talaga ang idini-date ni Sid ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mara, “Hindi ako yung dine-date ni Timmy.

“May iba siyang dine-date—si Annicka Dolonius.”

Nakasama ni Sid si Annicka sa pelikulang Apocalypse Child, na naging kalahok sa Quezon City International Film Festival (QCinema) 2015.

Sa ngayon, tila iwas si Sid na pag-usapan ang tungkol sa kanyang love life kaya hindi na nito idinetalye pa ang estado ng relasyon nila ni Annicka.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN