Mariel Rodriguez and Amy Perez join It's Showtime as guest co-hosts

Mariel Rodriguez and Amy Perez are welcomed by It’s Showtime regular co-hosts as they will become guest co-hosts this week.


“Iba rin talaga ang saya ng noontime!!! Thank you for giving me a chance to host again!!”

Ito ang tuwang-tuwang status ng nagbabalik-Kapamilyang si Mariel Rodriguez, na magiging guest co-host sa It’s Showtime sa linggong ito kasama si Amy Perez.

Kaninang tanghali, December 7, sinalubong sina Mariel at Amy ng regular hosts ng noontime show na sina Vhong Navarro, Karylle, Billy Crawford, at Vice Ganda sa pagsisimula ng show.

Dagdag pa ni Mariel sa kanyang Instagram status nitong Lunes, maraming alaala ang dumating sa kanya nang muling makatuntong sa nasabing studio.

“It was in this studio, Studio 3 of ABS-CBN where I met my husband [Robin Padilla], so it’s really special for me.

“Of course, it is different now, but I still remember everything clearly!

“Thank you to the staff and hosts for the warm welcome.

“Masarap maging Kapamilya.”

Bago lumipat sa TV5 noong 2011, naging host si Mariel ng ilang noontime show sa Kapamilya Network; kagaya ng Wowowee (2006-2010), Pilipinas Win na Win (2010), at Happy Yipee Hehey! (2011).

Muling bumalik si Mariel sa ABS-CBN nitong 2015 at muli siyang napanood bilang host ng mga huling episode ng pinakahuling edisyon ng Pinoy Big Brother, ang PBB 737.

NOONTIME HOSTS FROM DIFFERENT GENERATIONS. Samantala, ikinuwento naman ni Amy kanina na galing sila sa iba’t ibang henerasyon ng noontime show sa ABS-CBN.

Lahad ni Amy, “Nagkukuwentuhan kami backstage ni Mariel, sabi namin, 'My God, akalain mo yon, ilang henerasyon tayo ng noontime.'"

Dating bahagi si Amy ang ABS-CBN noontime show na ‘Sang Linggo nAPO Sila (1995-1998) at Magandang Tanghali Bayan (1998-2002).

Sa kasalukuyan, isa si Amy sa mga host ng early-morning show ng ABS-CBN, ang Umagang Kay Ganda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN